Kabanata 20

683 10 0
                                    

Dumadagundong ang kabog ng dibdib ko dahil sa sinabi ni Dimitri. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. There is an unusual feeling again. 'Yong pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. 'Yong pakiramdam na sakaniya ko lang nararamdaman.

Namutawi ang katahimikan sa aming dalawa at binawi na niya ang kamay niya na nakahawak sa baba ko. Dapat lang. Dahil kung hindi niya siguro ginawa ay baka himatayin na talaga ako sa kinatatayuan ko.

"Do you want a drink?"

"Sure."

"Alright, wait for me here. I'll get you something."

Luminga ako sa paligid nang marinig ko ang pangalan ko. Nakita ko ang papalapit na sina Angeline, Mikaela at Simon. Sumipol pa ang mga ito nang makarating sa pwesto ko.

"Eh, kaganda pala ah!" Ani Angeline na tinawanan ko. "'Yan ba ang walang susuotin? Grabe ka na, Bella! This is not you anymore." Pabiro ko siyang inirapan kaya nagtawanan ulit kami. Nakailang shots na ba ito at parang lasing na?

"You look beautiful, Bella. H'wag mo nalang pansinin ang dalawang ito dahil nakakarami na rin sila ng inom kaya gan'yan." Sabi ni Simon na nasa gilid ko.

"Halata nga dahil parang nasa alapaap sila. Paano kaya uuwi ang mga ito?"

"Ako na ang maghahatid sa kanila. Hindi ko pwedeng pabayaan ang mga 'yan na gan'yan ang estado."

Ngumiti ako kay Simon.

"Ang bait mo talaga!" Sabi ko at saka kinurot ang pisngi niya. Namula siya na parang bata kaya napangisi ako. Ang dalawang babae naman ay nag- unahan sa pag- ubos ng inumin na kinuha nila sa nag- iikot na server.

The cool wind blew. Napayakap ako sa mga braso ko dahil sleeveless ang suot na dress at nasa open area pa kami. Nagulat ako nang maramdaman ang pagpatong ng isang bagay sa balikat ko at nang tumalikod ay nakitang si Dimitri 'yon at ipinatong niya ang coat niya sa akin.

"Wear it. It's cold out here." Sabi niya sabay abot sa akin ng inumin at pumwesto sa tabi ko.

"Uy si Sir! Ang gwapo niyo po ah!" Sabi ng lasing na si Angeline. Napapikit ako dahil nararamdaman ko na kung ano- ano ang sasabihin nito. "Kaso ang sungit! Loosen up a bit, Sir! Chill ka minsan."

"Oo nga, Sir. Saka bawal ang laging nakasimangot. Magkakaroon ka ng wrinkles kaagad. Ngiti ka naman d'yan!" Sabi ni Mikaela at parang baliw na tumawa.

Simon looked at us apologetically and pull the two girls out of our table.

"Do I really frown that much?" Tanong sa akin ni Dimitri. I snicker.

"Anong that much? Everytime kaya!" Natatawa kong sabi pero napatutop ng bibig nang mapag- isipan kung anong kahibangan ang sinabi ko.

"Really?"

Napanguso ako at napahawak sa coat niya na napakalaki. "Oo kaya, Sir. Tama naman sila. Ngiti ka naman ng kaunti. Libre lang 'yon." Sabi ko at saka ngumisi sa kaniya. He frown once again. "Ay! Look, you are doing it again!"

"Can't help it. You always make me frown."

Bumusangot ako sa sinabi niya. "Wala naman akong ginagawa ah!"

His smirk flash on his face the moment he saw me getting annoyed. Ano 'yan? Kasiyahan niya ang pagkabwisit ko sa mga bagay- bagay? From a distance, I saw Kristine nearing us. She had this questioning look on her face that questions what am I doing with Dimitri. Nang makalapit ay kumapit ulit siya sa Boss ko.

"Come on, Tri. Let's go for a dance. Nag-promise ka sa akin, diba?" She flashed her puppy eyes at him.

Dimitri shakes his head. "Not now, Kristine. Bella will be left alone here."

Konti nalang ay maging si Superwoman na si Kristine at maglabas ng lacer sa mata at tirahin ako dahil sa inis niyang paglingon sa pwesto ko. "Bella can stay here by herself. Matanda na 'yan, Tri." Sabi niya.

Umiling pa rin si Dimitri, talagang ayaw na maiwan akong mag- isa. Ah sige, ako nalang ang mag-a-adjust.

"It's alright. You two can dance. I can stay alone by myself." Sabi ko.

"Well, not anymore," Narinig kong sabi ng papalapit na si Can.

He flashed his smile when our eyes meet. Binati niya si Dimitri na ngayon ay madilim na naman ang tingin sa aming dalawa at si Kristine naman ay parang nagliliwanag sa saya dahil sa wakas ay mapupuknat na niya ako kay Dimitri.

"See, she has a company now. Halika na. Magsayaw na tayo." Aya nito kay Dimitri.

"I was about to ask Bells too. Shall we?" Tanong niya sa akin at saka inabot ang kamay. Ngumiti ako sa kaniya at tinanggap ang inalok niya.

Dimitri's gaze never left mine as the four of us walk into the stage. I put both my hands on Can's shoulder while he held my waist. When I look into his eyes, I try to see if I could feel the same when Dimitri and I lock gazes. I wait for seconds and minutes but I didn't feel the beating of heart fast.

"Did you ever fell in love, Can?" Tanong ko sa kaniya.

He cleared his throat. "Yeah, once. Why?"

"How does it feel like?"

"Well, your world stops when they look at you. Your heart beats fast. You feel butterflies in your stomach." Sabi niya.

"Are you in love right now?" Tanong ko sa kaniya. He bit his lip and nod. "Who's the lucky girl?"

"The same girl I fell in love with before. We met again but I guess fate is really pulling strings. That girl won't even look at me." I chuckle as I saw how upset he is about that.

"Baka naman may ginawa kang hindi maganda?" Tanong ko na inilingan niya.

"Wala ah! I've been a very good boy around her." Sabi niya at ngumuso.

Huminto sa pagsayaw ang mga katawan namin nang makitang lumapit si Dimitri. "Why don't we switch partners, Can? I'm sure you want to dance with Kristine. Try catching up with her."

Mabilis ulit na tumibok ang puso ko nang maglapit kaming dalawa ni Dimitri. That's it! That's the feeling I've been looking for when Can is around me that I never felt. His right hand glide over my waist. Pinagsiklop niya ang kanang kamay ko at ang kaliwang kamay niya sa ere habang ipinatong ko naman ang kaliwang kamay ko sa balikat niya.

Nagwala ang puso ko nang tingnan niya ako. His eyes look hungry. Hindi kami nagsalitang dalawa at marahang umuugoy lang kasabay ng musika. I don't know why but in his eyes, I can hear words he wants to say but cannot. At ayokong umasa pero ano itong nararamdaman ko?

Iginiya niya ang kamay ko sa puso niya. It is beating as hard as mine. Hindi lang ako ang nakakaramdam ng kakaiba. "Bella, I—"

"Tri, send me home please? Hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko." Pagpuputol ni Kristine sa sasabihin niya sana.

Binitiwan niya ako at tinahak ang distansiya nilang dalawa. I felt weird feelings in my heart again. It's like my heart has been prick painfully.

Nakita ko kung paano nagpaawa si Kristine. I saw how Dimitri help her too. Alalay na alalay siya dito na para bang plato na mababasag kung mabibitawan. I pouted as I look at Can nearing me. Ngumiti siya sa akin.

"Let's go home?" Tanong niya.

Umiling ako na ikinagulat niya.

"Ayaw ko pa, Can. Take me somewhere else. Please,"

I just don't want to go home because I think if I do I'll be thinking of what happened tonight and I'm pretty sure it won't result good.

Pay The PriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon