Kabanata 33

594 9 0
                                    

Kinabukasan ay umuwi na rin kaming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang nakain ni Dimitri at masyado siyang attentive sa akin ngayon. Ayaw nga na nawawala ako sa paningin niya at siya pa ang nagbitbit ng maleta na dala ko. Iginiya niya ako papasok sa taxi. Hindi na ang private plane niya ang gagamitin kaya may mga kasabay na kami ngayon. At tulad ng dati ay nasa tabi ako ng bintana nakaupo. Sa isang linya lang kami ni Dimitri pero may nakaupo sa pagitan naming kaya kinakabahan kong tiningnan ang pwesto niya.

"Excuse me Sir, is it okay if I change seats with you? My wife gets scared during flights. I just want to make sure she's alright." Sabi ni Dimitri sa katabi naming matanda. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Anong wife? Kailan pa kami naging mag- asawa?

"Oh sure, sure. My wife also gets scared during flights so I totally understand." The old man said while reassuring me with his comforting smile.

"Thanks, Sir." Nakangiting sabi ni Dimitri at nagpalit silang dalawa puwesto.

Humilig ako sa kaniya at bumulong. "Saang lupalop nanggaling na asawa mo ako, Sir?"

"What am I supposed to say? That was the only thing I knew would be effective." Naiilang na sabi niya.

"Asawa pala kita, hindi ako updated." Natatawa kong sabi.

"Shut up," Bugnot ngunit may multo ng ngiti sa labi niyang sabi.

Noong mag-take- off na ang eroplano ay napahawak ako nang mahigpit sa kamay ni Dimitri. He held my hand as well while I close my eyes.

"It's alright. It's alright. I'm here." Bulong niya sa akin.

Nakatulog ako pagkatapos noon. Hindi ko alam na hanggang pagkagising ko ay magkahawak pa rin ang kamay namin ni Dimitri at nakasandal pa siya sa akin. Kakalas na sana ako kaso ay napakahigpit ng hawak niya kaya hinayaan ko nalang.

Ilang oras din ang tinigal ng byahe. Ngawit na ngawit na ang pwetan ko at nag- inat pa habang naglalakad kaming dalawa palabas ng airport. Kinawayan ko si Kuya Garry nang makita ko sa labas na katabi ang black na SUV. Lumapit kami sa kaniya at inilagay niya ang bagahe namin sa trunk.

"Na- miss kita Kuya!" Sabi ko kay Kuya Garry.

Ngumiti siya sa akin at natawa kalaunan. "Dalawang araw lang 'yon, Bella."

Akmang uupo na ako sa passenger seat nang hilahin ako ni Dimitri at paupuin sa tabi niya. "Bakit?" Tanong ko at saka siya tinaasan ng kilay.

"Bakit? Bawal ba?" Pinaningkitan ko siya ng mata sa sinabi ngunit sumunod rin sa kaniya. Habang nakaupo sa likod ay panay ang tingin sa amin ni Kuya Garry. Nakikita ko pa na nangingiti 'yon kapag naaasar ako sa tinuturan ni Dimitri.

Kumaway ako sa kanila pagkababa sa sasakyan nang matapat ako sa bahay namin. Lumabas sina Lolo at Lola pati na si Papa at Gabbi kaya hinarap sila ni Dimitri at lumabas na rin.

"Susmaryosep! Ang gwapong bata!" Ani Lola na ikinangiti ng Boss ko.

"Good to see you all. Dimitri po." Magalang na sabi niya sa matatanda.

Ngumiti ako habang nasa tabi nila. Sinundot naman ni Gabbi ang tagiliran ko. "Hulog na hulog ka Ate. Halatang halata." Pang- aasar nito sa akin na mayroong malawak na ngisi sa labi.

Inirapan ko nalang siya kaya humalakhak ito. Teka, saan niya nalalaman ang mga salita na 'yon?

"Opo. Kagagaling lang po namin sa isang business trip. I am so thankful of Bella. I think without her I wouldn't make it possible." Tumahip ang dibdib ko nang sabihin ni Dimitri iyon at lingunin ako sabay nginitian. He even winked at me!

Nagpaalam na siya na aalis dahil naghihintay na si Kuya Garry sa kaniya. Pagpasok ko naman sa bahay ay pinaulanan na kaagad ako nito ng mga tanong ng pamilya ko.

"Hindi mo naman sinabi na ganoon pala kagwapo ang boss mo, Bella!" Nakangising sabi ni Lola.

"Syempre, 'La. Ipagsusungit niya 'yan. Gwapo eh." Pinanlakihan ko ng mata si Gabbi na ngayon ay nagtago sa likod ni Papa.

"'Pa, bawalin mo nga ang bata na 'yan! Kung ano-ano ang sinasabi!" Inis kong sabi at saka umakyat sa kwarto. Nang maikandado ko ang pintuan ay nag-dive kaagad ako sa higaan ko at nagtitili sa unan. Bakit niya kasi ako kailangang sabihan ng ganoon? Feeling ko tuloy ay ang galing- galing ko. At bakit siya kumikindat? Hihimatayin ako sa ganoon, eh!

Kinabukasan ay nakangiti akong pumunta sa bahay niya. Nagulat pa ako nang makita ito na nakasandal sa bar counter at may pinaglalaruan sa kamay.

"Good morning, Sir. Tapos na po kayo maggym?" Tanong ko.

He frown and nod at me. Lumapit ako sa tabi niya at ibinaba ang gamit para makapag-ready na ng iluluto sa kaniya pero pinigilan ako nito.

"Don't cook. I don't feel like eating today."

Tiningnan ko siya. Nakakapanibago.

"Kahit drinks, ayaw mo?"

Umiling siya sa akin. "Uh, Bella, I need to ask you something."

"Ano, Sir?"

Kumaway siya para lumapit ako sa tabi niya. Iwinagayway niya ang badge na iniregalo ko sakaniya. "What do you think of this badge?"

Kunwari ay nag- isip ako. Syempre, sasabihin ko na maganda kasi ako ang nagbigay noon. "Maganda."

"I don't think so." Sabi niya. Kinunotan ko ito ng noo. Ouch. Ako nagbigay n'yan, pare.

"Huh? Maganda naman ah! Saka 'yan nalang ang kulang sa collection mo, diba? At anong 'I don't think so' ka d'yan? Ang ganda, oh!" Sabi ko sa kaniya.

He shakes his head. "I think it's too old for me. I might throw it away."

Nanlaki ang mata ko. "Bakit mo naman itatapon? Akin na nga! Akin nalang. Malay mo pinaghirapan pala ang paghahanap nito. Tapos itatapon mo lang? Tsk. Tsk."

A ghost of smile appeared on his lips. "You're right. Bakit ko nga ba itatapon ang regalo mo?"

Tumango ako sa kaniya. "Tama! Bakit mo itatap— Teka, Sir, ano po?"

He smiled at me, gentles filled his eyes. Paano niya nalaman? "I know this is from you, Bella. You don't have to hide it anymore." Napatulala ako. His thumb caressed my cheeks. "I wish you told me that earlier. Ilang araw ko nang iniisip na sa iba galing ito."

Ngumiti ako nang mapait. "A-Ayos lang. Ayaw kong sirain ang moment niyo ni Kristine."

"That's why you cried and left with Can?"

Nanlaki ang mata ko. Paano niya rin nalaman na umiyak ako? "Sino ang nagsabi sa iyo na umiyak ako? Nilalagnat nga ako noon!"

He chuckle. "Don't lie. I knew you cried. Can told me."

Nanlaki ang mata ko. Traitor! Kapag nakita ko ang lalaki na 'yon ay sasapatusin ko siya. Isusumbong ko siya kay Seraphine.

"You know why I am so happy when I received it? It's because it has been so long since I started collecting these badges. And it's not just just because. My father and I used to hunt every single antique shop just to find these. It became a hobby and a dream for us." Bumuntong hininga siya at hinaplos ang badge na bigay ko. "So thank you for giving me the last piece and giving me the best one. You made our dream come true. You made me the happiest, Bella."

My heart beats as I look at him. Totoo nga ang sabi ni Marco, one day you'll just wake up and know your heart is beating for a certain person. And right now, I woke up without confusion. I woke up and knew that my heart beats to scream his name.

I woke up to finally admit to myself that I like Dimitri.

Pay The PriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon