Kabanata 50

547 8 0
                                        

Parang kinabog na tambol ang puso ko noong nakatapat na sa bahay ni Dimitri. Kumaway ako kay Mama at nakita kong umalis siya. Nasabi ko kasi sa kaniya na huwag na akong hintayin at ako nalang ang uuwing mag- isa.

Nag- doorbell ako at matagal iyon bago bumukas. Wala ba siya sa loob?

"Yes?" Nanlaki ang mata ko nang sumalubong sa akin si Kristine. Suot niya ang mahaba at kulay itim na polo ni Dimitri at nakita ko ang pangungutya sa mga mata niya nang makita ako. "What do you need here, liar?"

Pinigilan ko ang sarili ko na sakmalin siya. Gustong- gusto ko na sabunutan siya at kaladkarin. Gusto kong mamisikal pero hindi tama 'yon. Hindi rin tama na gumanti ako. Isa pa ay pagod na pagod na ako sa lahat. Ang gusto ko lang na mangyari ngayon ay makausap si Dimitri.

"Kakausapin ko si Dimitri." Matapang kong sabi.

Tumawa siya at parang hindi pa makahinga at napahawak pa sa tiyan ko bago ako batuhin ng mga salita. "At talagang makapal ang mukha mo para magpakita pa dito, ah? Gusto mo pa talagang kausapin si Dimitri? Do you think he'll want to talk to you? Ikaw na puro kasinungalingan lang ang pinakita sa kaniya?"

"Hindi kasinungalingan ang pagmamahal ko sakaniya, Kristine."

Tumawa siya lalo dahil sa sinabi ko. "And you think he'll care now? Sa tingin mo ay titingin pa siya sa iyo katulad ng dati kung nakuha ko na siya?" She smile. Itinuro niya ang suot niyang damit. "Nakikita mo ba ako, Bella? I am at the place where you once belong. Oh, scratch that. I am at the place where you once belong because you snatched it from me. Ako na ang pinili niya ngayon, Bella."

Parang huminto ang pagtibok ng puso ko sa sinabi niya. He chose her. Bakit parang ang bilis naman? Ang bilis naman niya akong palitan. Ako nga ay iniisip pa kung paano ako gigising nang hindi siya inaalala tapos siya naman ay hindi pa naghihilom ang sugat ay may bago na kaagad.

"Ano? Hindi ka makapaniwala? Try asking him." Umakto siya na nagulat at saka hinawakan ang bibig. "Ay! Ayaw ka na nga pala niyang makausap!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinampal ko siya. How hypocrite of me to say I won't hurt someone. Ngayon naman ay nanampal na agad ako. Rumaragasa ang luha ko habang nakatingin sa kaniya na nakahawak sa mukha. Nanlisik ang mata niya at galit na galit akong tiningnan. Parang kakainin na niya ako sa sobrang galit.

"Are you fucking stupid? Bakit mo ako sinampal? Kasi nasasaktan ka? Nasasaktan ka sa katotohanan na akin lang naman talaga si Dimitri?" Sigaw niya sa akin. Ikinuyom ko ang kamao ko. Sinuklay niya ang buhok niya at ngumisi sa akin. "Alam mo, Bella? Kahit gaano pa katindi ang sampal mo sa akin, hindi mo na
mababago ang katotohanan na ayaw na niya sa iyo. You fucking whore—"

"Kristine!" Dimitri's voice thundered in the whole room. Napalingon kami ni Kristine sa kaniya at halos manindig ang balahibo ko noong makita kung gaano kalamig ang titig niya noong nagkatinginan kaming dalawa.

Sumakit ang mata at ang puso ko noong makita ko na kumapit si Kristine sa kaniya. Hindi man lang binawal. Hindi man lang itinanggi.

"Why are you here?" Tanong sa akin ni Dimitri.

Napalunok ako. "Gusto kitang kausapin."

"Tri, don't talk to her. She'll tell you lies again! Gusto mo bang mabilog ulit ng babae na 'yan?" Sambit ni Kristine sa kaniya.

Bumuntong hininga si Dimitri. "Go upstairs, Kristine. Susunod ako."

Inis na umakyat pataas si Kristine. Nilingon pa ako nito at binigyan ng masamang tingin.

"Ano 'yon? Kayong dalawa na?" Sarkastiko kong tanong sa kaniya. Paano ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na maging usisero.

Pinagkrus niya ang braso niya at saka umigting ang panga. "Is that the reason why you came here? To ask who is my new girlfriend?" Balik niyang tanong.

I hissed and turn my eyes away from him. Hindi man lang itinanggi. Siguro ay sila na nga ni Kristine. "Gusto kitang kausapin tungkol sa lahat ng nangyari, Dimitri."

He smirked without a humor. "Don't bother. I've heard enough, Bella."

Umiling ako sa kaniya. "At saan nanggaling 'yan? Kay Kristine? Ni hindi mo nga alam kung niloloko ka ba niya o hindi! Hayaan mong ako ang magkwento sa iyo at saka ka magdesisyon kung kaninong istorya ang sa tingin mo ay totoo."

He gritted his teeth. "Fine. This better be fast. May naghihintay sa akin,"

"I just want to start by telling you that I didn't want that to happen. I was forced to do that, Dimitri. Naipit ako sa sitwasyon na wala na akong magagawa kasi napagdesisyonan na." Huminga ako nang malalim. "Sinabi ko noon sa sarili ko na hindi naman magkakatotoo ang lahat. Na sasakyan ko lang ang kahibangang naisip nila. Na wala naman akong pag- asa sa iyo. Na malabo namang maging tayo dahil malabo akong magkagusto sayo at malabo kang magkagusto sa akin."

Well, here comes the breaking of my heart.

"Dimitri, I didn't knew I would fall in love with you. Hindi ko maintindihan kung bakit sumasakit ang puso ko tuwing nakikita ko kayo ni Kristine na magkasama. Hindi ko alam kung bakit ako nagseselos tuwing pinakikitaan mo siya ng apeksyon. Ang sabi ng kaibigan ko, isang araw daw, magigising na lang ako at malalaman ko na may gusto na pala ako sa isang tao. Hindi nga siya nagkamali. Because, Tri, I woke up one day wanting to kiss you. I woke up one day telling myself that I like you."

Pinunasan ko ang luha ko. Tiningnan ko kung paano mamula ang mata ni Dimitri sa mga naririnig mula sa akin. "You asked me if my love for you is real. Well, it is. Hindi 'yon pineke. Walang ni isang pagkakataon ang pineke ko sa buong relasyon natin. It was genuine. Pero Tri, binagabag pa rin ako ng utang ni Papa. Ayaw kong isipin mo isang araw na minahal lang kita dahil doon. At isa pa, ang sabi mo sa akin ay ayaw mo sa mga taong nagpaplano sa likod ng iba. Kasi dahil doon namatay ang mga magulang mo, diba? Ayaw kong maging ganoon kaya nga hinahanda ko na ang sarili ko na sabihin sa iyo ang lahat. Kaya nga hiniling ko na mag-resign na lang. Kasi gusto ko na magsimula ulit tayo. Na babayaran ko ang utang ni Papa at sasabihin ko sa iyo ang lahat ng ginawa ko. Kasi nga ganoon gumagana ang isang relasyon diba?"

Bumuhos ulit ang luha ko nang maalala ang sakit na dinama ko noong mga araw na natutulog ako na umiiyak sa tabi niya. Noong gabing ayaw kong iparinig ang mga hagulgol ko sa kaniya.

"Kaso lang, Tri, inunahan ako eh. Tumakbo ako kasi I was caught off guard. Hindi ko alam ang gagawin. Isiniwalat na ni Kristine sa buong kompanya ang lahat. Gusto kong ayusin ang lahat ng mali ko, Dimitri. Gustong- gusto kong ayusin ang tayo pero nasira na. Siguro ay kasalanan ko rin dahil naduwag ako noong una. Pero masisisi mo ba ako? Takot ako na mawala ka. Ang hindi ko alam ay nakatadhana na palang mangyari ito."

Ngumiti ako sa kaniya sa pagitan ng pagluha. His bloodshot eyes are still focused on me. "I didn't come here to patch up our broken relationship. Gusto ko lang na sabihin sayo ang istorya sa paningin ko. Now, I didn't know if you would believe me or not. But Tri, I just want you to remember that..." Huminga ako nang malalim at pinalis ang luha sa mata ko. "That when I told you my feelings, it wasn't made up. When I started loving you, it wasn't an act. It was the truest truth I have ever said and done in my whole life."

Ngumiti ako sa kaniya. Dahan- dahan akong tumalikod at lumabas na sa bahay niya. Humangin nang malakas at nagsimulang pumatak ang malalaking butil ng tubig. Siguro ay katulad ko ay malungkot din ang langit. Hindi ko na nilingon pa ang bahay ni Dimitri. Hindi ko na siya nilingon pa at tiningnan kung sumunod ba dahil hindi ko kakayanin. Kung makikita ko siyang nakatanaw sa akin, baka bumalik ako. Baka bumalik ako at magmakaawang tanggapin niya ulit. Pero hindi ko na gagawin iyon. At isa pa, mukhang wala na rin namang pag- asa dahil may Kristine na siya. Cheers to their relationship. I hope they will last.

I've had enough of this bullshits. Even when it's hard, I think I have to move on.

Pay The PriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon