Naputol ang titigan namin nang mayroong kumatok sa pintuan. Pinalis ko ang luha at umalis sa pagkakasandal roon. Pumasok namn si Can at napamura nang madatnan kaming dalawa. Lalabas na sana ako nang hilahin ako ni Can.
"Saan ka pupunta, Bella? You still haven't recovered. H'wag mong pwersahin ang sarili mo." Sabi niya sa akin.
Umiling ako at pinalis ang luha. Dimitri chuckle at the side and cross his arms. He sarcastically looked at Can's hand that is holding my right arm. "Don't bother, Can. She'll not tell you where she's going because she is so good at keeping a secret."
Hinila ko ang kamay ko kay Can noong umigting ang panga niya sa sinabi ni Dimitri. Lumabas ako ng condo niya at dumiretso sa elevator. Noong makasama sa lift ang isang janitor ay hiniram ko ang phone niya. Naawa siguro sa akin 'yon dahil may kasa na nga ang braso ay namamaga pa ang mata ko.
I dialed the phone number that I didn't thought I would call. Nag- ring ang kabilang linya at pamaya- maya ay sinagot na rin.
"M-Mama, si Bella 'to." Nanginginig kong sabi. I heard her gasp. Parang hindi ito makapaniwala na naririnig ang boses ng anak niya.
My Mama left us when I was just eleven. Ang sabi niya ay magtatrabaho lang siya. Naghintay ako sa pag- uwi niya. Ang araw naging linggo, ang linggo naging buwan, ang buwan naging taon, ang taon naging dekada pero hindi pa rin siya umuwi. Every night, the little Bella would ask herself why her mother left them. I thought it was because I peed on my pants on my sleep. I thought it was because I get messy while eating. Inayos ko ang sarili ko noon. Akala ko kasi ay kapag hindi ko na gagawin iyon ay uuwi na siya. Na babalikan na niya kami ni Gabbi. Pero hindi eh. Hindi siya bumalik. At sinanay ko nalang ang sarili ko na wala siya. Na walang ina.
"A-Anak! Napatawag ka? Kamusta? Miss na miss ka na ni Mama." Sabi niya.
I even cried harder because of that. Mama said she'll go to work but one night, as I surf the internet in a computer shop, I saw her with a man. Ang nilagay na caption ng lalaki ay 'just got married'. And that's when I knew my mother didn't left us to go to work, she left us because she married another man. Siguro ay doon din na- trigger ang alcohol addiction ni Papa. That's when our life started to crumble down to pieces.
"Mama, p-pwede po ba kitang puntahan? G-Gusto kitang makausap, 'Ma. M-Miss na miss na kita," Hagulgol ko.
"O-Of course, anak." Nanginginig niyang sambit at saka sinabi sa akin ang address ng bahay nila.
Nagpasalamat ako sa janitor na nagpahiram ng phone sa akin. Pagkapara ng taxi at pagkababa ng subdivision ay nakita ko si Mama sa gilid ng isang kotse. Kinawayan niya ako at siya ang nag- abot ng bayad sa taxi. Sumakay kami sa kotse niya at saka nag-drive papunta sa bahay nila. Noong makababa ako sa bahay ay nakita ko kung gaano kalaki iyon. Malayong- malayo sa bahay kung saan kami sama- sama dati.
"What's the problem anak?" Tanong niya at saka hinaplos ang buhok ko. Parang gripo ang mata ko na lumuha nang maramdaman ang haplos niya. I've been longing for that touch for a decade. I've been longing to feel her embrace. I've been longing for a mother.
"'Ma, ang sakit..." Nanghihina kong sabi. Niyakap niya ako at hinayaan na ibuhos ko ang lahat ng hinanakit ko.
"It's okay, sweetheart. Iiyak mo lang." Pang-aalo niya sa akin. Humagulgol akong lalo noong maramdaman ang paghalik niya sa noo ko.
"M-Mama, 'yong lalaking mahal na mahal ko, galit sa akin. Ayaw na niya ako. Nagsinungaling ako, eh. Sinabi ko sa kaniya na mamahalin ko siya pero sa huli ay dinurog ko naman ang puso niya,"
"Sabihin mo sa akin ang nangyari, anak. Sabihin mo kay Mama. Tutulungan kita,"
Ikwinento ko sa kaniya kung saan nagsimula ang lahat. Kung paano ko nalaman na nagkautang si Papa. Kung paano niya ako ibinayad sa gulong ginawa niya. Kung paano ako nagtrabaho kay Dimitri. Kung paanong sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay minahal ko ng totoo ang Boss ko. Ikwinento ko rin sa kaniya kung paano nalaman ni Dimitri ang lahat. Na sinabi ni Kristine dahil galit siya. Na nagalit sa akin si Dimitri at sinabi niya na napakagaling kong umarte at pwede na akong maging artista.
Pinalis ni Mama ang luhang pumapatak sa kaniyang mata. Para bang hindi siya makapaniwala sa lahat ng nangyari sa akin. Maski ako rin naman. Hindi ko alam kung paano humantong sa ganito.
"Bella, babayaran natin ang utang ng Papa mo. Magsisimula ka ulit anak. Babangon ka ulit. Okay?"
Tumango ako sa kaniya nang paulit- ulit. Hinila ako ni Mama papunta sa bahay nila Hernanda. Tulala ako habang nakatingin kay Mama na inilapag sa harap niya ang tseke. Siguro ay alam na ni Hernanda ngayon ang nangyari sa amin ni Dimitri. Mabilis lang namang lumapit sakanya ang chismis.
"Simula ngayon ay kakalimutan niyo na ang nangyaring utang na 'yan. Ibabaon niyo sa limot ang lahat ng nangyari. Lalayuan niyo na ang anak ko." Mariin na sabi ni Mama.
"Bella, I'm sorry—"
"Ma'am, sana naman ay naisip niyo na pwedeng mangyari ito bago niyo tinakot ang anak ko na pumayag sa inyo. Inipit niyo siya eh. You left her no choice. Hindi naman kayo ang masasaktan, diba? Tingnan niyo ang ginawa niyo sa kaniya ngayon," Sabi ni Mama at saka ako hinila papaalis sa kung nasaan si Hernanda.
Tahimik ako habang nasa sasakyan. Hindi ako makapaniwalang nabayaran na ang utang ni Papa at hindi rin ako makapaniwalang unti- unti ay pwede na akong umusad. Pero kaya ko ba? Kasi sa bawat paglingon ko ay ang mukha ni Dimitri ang nakikita ko. Ang alaala naming dalawa ang naglalaro sa utak ko.
"What's bothering you, my Bella?" Tanong ni Mama sa akin.
Bumuhos na naman ang luha ko at napadukdok. Dimitri often called me 'My Bella' too. Hindi ko alam kung kaya kong umusad ngayon. Hindi ko alam kung kaya ko bang gumising sa araw araw na hindi inaalala ang mukha niya. Kasi kahit magsinungaling ako, lalabas ang totoo na nakatatak siya sa puso't isipan ko.
"Gusto mong puntahan si Dimitri? You want to clear your name?" Marahan niyang tanong. Hindi ako nakasagot roon. Ngumiti siya at inipit ang buhok ko sa likod ng tainga. "Ihahatid kita anak. Hindi man maging maganda ang resulta ng magiging usapan niyo, at least you told him the truth based on your perspective."
![](https://img.wattpad.com/cover/314783780-288-k220919.jpg)
BINABASA MO ANG
Pay The Price
RomanceIn everything that we do, there's always a price. Even the happiness that we feel also has a price to pay. Bella Renly knew it from the very start. And so, as much as she could, she refrain herself from falling for Dimitri Everett, her boss. But fat...