Hindi pa nag- riring ang alarm ko ay gising na ako. Paano ba naman ay sobrang kinakabahan ako dahil unang araw ko ngayon sa trabaho kay Dimitri. At sa sobrang kaba kagabi ay halos magdamag akong nagdadasal na sana ay umayos ang takbo ng trabaho ko sakaniya.
After I took a bath, I started putting make up. Inalala ko lahat ng itinuro sa akin. Ang ternong itinuro rin sa akin ang isinuot ko. Ngumiti ako sa salamin nang makita ang sarili na ayos na.
"Una na ako, 'La. Bawal mahuli sa trabaho." Paalam ko. Kumaway ako sa kanila palabas ng bahay at naabutan si Marco na nagmamaniobra ng kotse palabras ng bahay nila.
"Bella, halika na. Isasabay na kita." Tumango ako sa alok niya. Pagkasakay sa kotse ay kinakabahan akong tumingin sa kaniya. "Bihis na bihis ah,"
"Unang araw ng trabaho ko ngayon, Marco. Wish me luck. Sana ay hindi ako masisante kaagad." Kinakabahan kong sabi.
Ngumisi siya at umiling. "Kaya mo 'yan. Ikaw pa," Pagpapalakas niya ng loob ko.
Nang makarating kami sa harap ng bahay ay nakita ko kung gaano kalaki iyon. It looks modern as well. Glass walls ang mga bintana. The exterior is all black. Ang sabi nila sa kulay na paborito mo maipapakita ang ugali. Hindi ko pa nahaharap ay may ideya na ako sa kaniya. He looks strong, powerful and mysterious. The type of man you'll never decipher with just one meeting.
"Kaya mo 'yan. Break a leg, Bella!" Sabi ni Marco. Ngumiti ako at kumaway sa kaniya.
Naglakad na ako at nakita ang kotseng nakaparada. Mayroong sa tingin ko ay nasa mid- thirties na lalaking nakasuot ng itim na suit. Ngumiti siya sa akin at kumaway. Ngumiti din ako pabalik.
"Ikaw siguro ang bagong assistant ni Sir Dimitri? Ako si Gary, driver niya." Kinuha ko ang inabot nitong kamay at nakipagkamay.
"Bella po. At opo, ako nga po ang bagong assistant ni Sir Dimitri. Mabait po ba siya? Hindi naman nangangain?"
Tumawa siya sa sinabi ko kaya napangisi akong lalo. "Mukha lang suplado si Sir pero mabait talaga 'yon. Ito nga pala ang passcode ng pinto. Sige na at pumasok ka na sa loob. Ayaw noon ng late."
Kinuha ko ang inabot niyang papel. Sa loob noon ay nakasulat ang passcode na i- ta- type sa pinto. Noong makapasok sa loob ng bahay ay halos malula ako sa sobrang ganda nito. May mga painting roon na nakasabit. Pero mayroong isang bagay na pumukaw sa atensyon ko. It was a collection of badges. Those looks old and I didn't know where it came from. Pero isa nalang ang kulang doon at iyon ang nasa pinakatuktok.
Nahahati sa tatlong dingding ang unang palapag. Ang isa ay ang living room kung saan mayroong malaking tv at couch na nakapalibot. Ang isa naman ay ang kusina kung saan mga moderno din ang gamit. At ang huli ay ang dining room kung saan may isang malaking lamesa sa gitna at may mga upuang nakapalibot. Mapapansin sa bahay na ito na puro itim ang gamit at kung hindi naman ay gray. Kung itutulak naman ang sliding door sa gilid ng living room ay mapupunta sa bakuran na mayroong pool na pagkalaki.
"Ay! Bakit ka ba nandito, Bella? Magluto ka na nga!" Sabi ko sa sarili at saka dumiretso sa kusina nang mapagtanto na naaliw na ako kakatingin sa hardin sa gilid ng pool area niya.
Salad at vegetable juice ang nasa list ng iluluto ngayon. Muntik na akong masuka nang makita ang kulay ng juice. My boss seems to live healthily kasi kung ako ang tatanungin ay hindi ko kayang kainin ang ganito. Para kang kambing na kakain ng damo at sa itsura pa lang ng juice ay mukhang hindi kaaya- aya ang lasa nito.
Inayos ko ang pagkain at inilagay ito sa lamesa sa dining room. I hesitated between walking upstairs and telling him his food is ready or just leave it be. Sa huli ay umakyat rin ako pero dahil dalawa ang pinto ay hindi ko alam kung ano ang kakatukin ko dito. Nagpabalik- balik ang tingin ko sa dalawang parte ng bahay at napagdesisyonan na sa kaliwang parte kumatok. Eh 'di katukin nalang ang kabila kung walang sasagot.
Akmang kakatok na ako nang magbukas ang pinto at maiwan sa ere ang nakakuyom kong kamao. Sa sobrang gulat ko ay halos matumba ako sa kinatatayuan. Mabuti nalang at nahapit kaagad ng isang braso ang bewang ko.
My heart beats fast out of nervousness when I look at the guy in front of me. The same guy who push my back on the bathroom's door. The same guy whom I get in on a heated argument. And the same guy who looks so surprise to see me as well.
Umayos ako nang pagkakatayo. Ibinuka ko ang bibig ngunit parang pipi na walang lumalabas na salita doon.
"You want to say something?" He said and raised his brows at me.
Bakat ang pawis sa kulay itim niyang t- shirt at makikita rin ang butil ng pawis sa kaniyang kayumangging balat. Halatang- halata rin ang matipuno nitong katawan. Dumoble pa ang kaba ko noong marinig ulit ang baritonong boses niya. It is so cold. Para akong nasa Antartica tuwing magsasalita siya.
"A-Ah, your food is ready, Sir." Sabi ko at saka siya tinalikuran at bumaba na.
Habang nasa kusina ay ilang beses akong huminga nang malalim para pakalmahin ang humaharumentadong kabog ng puso. Masyado ba akong kabado? At ano ang ginawa kong pagtalikod muli mula sa kaniya? I just remember how angry he is at someone turning their back at him. Pero tapos naman na siyang magsalita diba?
Oh God. I really mess things up on my first day. Ready na nga ata ako na marinig mula sakanya na sisante na ako.
Habang naghihintay sa kusina ay sumandal ako sa counter top habang kagat-kagat ang pang- ibabang labi. Tingin ko nga ay dudugo ito kung hindi ko pa titigilan.
Ang pinakalmang puso ko ay kumabog muli noong marinig ang mga yabag niya. Pumikit ako sa pag- aakalang didiretso siya sa dining room para kumain ngunit nagulat ako nang nasa harapan ko na ito. Pursing his lip, he lean both of his hands on my side. Pinagpantay niya ang titig naming dalawa at tutop ang labi ko siyang tiningnan. His aura looks so dark. Sa malapitan ay makikita mo ang maitim na mga mata niya. His hair is slick black matching his well- trimmed stubble beard. Hindi 'yon manipis at hindi rin makapal. He looks the opposite of his cousin, Can.
Sumandal ako lalo sa counter top at gusto nang ipikit ang mga mata ngunit hindi makagalaw dahil parang nabato ako sa kinatatayuan sa riin ng mga titig niya.
"Didn't I say I don't like it when someone turn their back at me?"

BINABASA MO ANG
Pay The Price
RomanceIn everything that we do, there's always a price. Even the happiness that we feel also has a price to pay. Bella Renly knew it from the very start. And so, as much as she could, she refrain herself from falling for Dimitri Everett, her boss. But fat...