Maaga pa lamang ay sinundo na ako ni Marco sa amin. Kagabi pa lang ay nagsimula na akong maghanap ng mga available na trabaho at nakakita ako na mayro'ng janitress at tindera ng convenience store. Kung matatanggap ako sa isa doon ay malaking bagay na rin. Hapon na no'ng natapos ako. Napahawak ako sa tiyan nang maramdaman na nagwawala na ito. Nagkakainan na ata ang mga bituka ko. Biscuit lang kasi ang kinain ko simula kaninang umaga at hindi nagtanghalian dahil sa paghahabol sa mga ina-apply-an.
Ngumiti ako nang makita ang isang ale na nagtatabas ng dahon sa hardin ng munisipyo. "Magandang hapon po. Mahirap po ba ang ginagawa mo?" Tanong ko.
Tiningnan niya ako, umiling at ngumiti. "Hindi naman, anak. Gusto ko na rin kasi ang pag- aayos ng mga dahon kaya naging madali na lang para sa akin,"
"Talaga po? Pwede pong pasubok?" Naaliw kong tanong.
Tumango siya at saka inabot sa akin ang malaking gunting na pinanggugupit ng mga dahon. I tried to copy what she's doing and surprisingly, it wasn't really hard. It's kind of fun, to be honest.
"Bakit ka pala nandito, hija? Break time ng klase?" Tanong niya na inilingan ko.
"Hindi po. Naghahanap ako ng trabaho." Sabi ko at saka inabot pabalik sakanya ang gunting.
"Sa city hall ay may bakante. Janitress nga lang. Ayos lang kaya sayo 'yon?" Tanong niya.
"Oo naman po. Saan po pala pwede mag- apply?"
"Nako, bukas ka nalang bumalik ulit. Alas otso ng umaga. Ang alam ko kasi ay hanggang bago mag-tanghalian lang sila nag-i-interview."
"Sige po, 'Nay. Salamat po." Nakangiti kong sabi at saka tiningnan ang relong suot. "Una na po pala ako. Baka hinahanap na rin sa bahay. Ingat po!" Sabi ko sakanya at saka kumaway habang naglalakad papalayo.
Sinandal ko ang ulo sa bintana ng bus. I wish things will be easy from now on. Napapagod na talaga ako sa paikot- ikot na siklo ng buhay ko. Tumaya kaya ako sa lotto? Malay mo naman ay manalo ako. Nako, kung mangyayari 'yon, ililibre ko lahat ng nakikita kong naglalakad ng kahit anong gusto nila.
Pagbaba ng bus ay nakita ko ang mga kainuman ni Papa na umiinom ulit pero wala siya doon. Nasaan naman kaya siya? Teka lang, hindi ko siya nakitang umuwi kagabi ah.
"Tiyong Baldo, wala si Papa?" Tanong ko sa kumpare ng tatay ko at saka sila hinintuan. Tinungga niya ang alak sa baso at tiningnan ako. Napangiwi ako noong makitang inaantok na ang mata nito.
"Eh w-wala. Nasa'n nga ba si Emmanuel? Hindi naman nagparamdam sa amin ngayong araw eh," Pagbabalik niya ng tanong sa akin.
Napanguso ako at saka tumango. "Gano'n po ba? Sige po at mauuna na ako. Baka nasa bahay lang,"
Kumaway pa sila sa akin noong naglakad ako papalayo. Kahit naman mga manginginom ay mababait ang mga 'yon. Close nga kami dahil ilang beses ko ba namang sinundo si Papa tuwing nalalasing at hindi kayang umuwing mag- isa.
Noong makarating sa bahay ay nakita ko ulit si Gabbi na nakadukdok at nagsusulat. Ngumiti ako at saka hinalikan ang tuktok ng ulo niya. "Ang sipag talaga,"
"Hi, Ate. Gumagawa ako ng letter para kay Papa at Lolo. Father's day na bukas, eh."
Tiningnan ko ang letter na ginagawa niya. Nakita ko ang stick na drawing namin. Si Lolo, Lola, Papa, ako, at siya. "Ang galing naman ng bebe. Pa- kiss nga." Sabi ko at saka pinugpog ng halik ang pisngi niya. Tumili siya nang makiliti sa mga halik ko kaya naman natawa ako at saka lumayo sa kaniya.
Pagkabihis at pagbaba ay nakita ko si Lola na naghuhugas ng gulay na binili sa palengke. Nang tingnan niya ako ay kumaway ako sakaniya. "Halika dito, Bella. Hiwain mo ito nang mabilis makapagluto."
L umapit ako sa lamesa at nagsimulang maghiwa ng mga gulay. "Nga pala, 'La. Nasaan po si Papa?" Tanong ko sa kalagitnaan ng paghihiwa ng repolyo.
"Hindi ko alam. Nasaan nga ba ang Papa mo? Aba'y hindi ko nakita ngayong araw ang lalaki na iyon, ah!"
Kumunot ang noo ko at tiningnan siya. "Wala naman po sa inuman nila Tiyong Baldo. Nadaan ako kanina at hinanap ko si Papa, ang sabi ay hindi raw pumunta do'n."
"Hindi rin umuwi iyon kagabi."
Napahinto si Lola sa paghihiwa sa tabi ko at saka ako tiningnan. Kumalabog ang puso ko. I feel like something bad is happening.
Sa gitna ng pagkabog ng dibdib ko ay nakita ko ang pagpasok ni Lolo. May dala siyang plastik na sa tingin ko ay isda ang laman. "Karding, nakita mo ba ang anak mo? Bakit hindi umuwi?" Tanong ni Lola.
Nagkibit- balikat si Lolo habang naghuhugas ng kamay. "Hindi ko alam. Hindi ko naman nakita 'yon. Isasama ko nga sana sa pangingisda kanina kaso ay wala naman dito."
"Huh? Nasaan po si Papa?" Kinakabahan kong tanong. Hindi naman kasi ganoon si Papa at kung aalis man ay magpapaalam iyon.
"Teka nga lang at magtatanong ako sa mga kapitbahay. Baka nakita nila kung saan pumunta si Emmanuel." Sabi ni Lolo at saka umalis na para magtanong sa kapitbahay. Kinakabahan naman ang itsura ni Lola katulad ko. I just really feel like something is happening. Something bad.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Sana naman ay maayos lang ang kalagayan ni Papa. Balita pa naman kasi dito na nagkakawalaan ang mga sabungero. Masyado pa naming iniidolo ng tatay ko ang sabong.
Pamaya- maya ay umuwi na si Lolo. Mukhang namumutla ang mukha nito at kinakabahan na rin katulad namin kaya trumiple ang tibok ng puso ko.
"'Lo, nasaan daw si Papa?" Tanong ko.
"Nakita daw nila Janett kahapon na isinakay sa van. Tutulungan nga daw nila dapat kaso ay pinaharurot na ng driver ang sasakyan."
Nanlaki ang mata ko sa narinig. "Ano? Teka, nakita daw ba nila ang plate number? Baka pwedeng ma- trace? Bakit hindi nila ni-report o sinabi man lang sa atin kaagad?" Sunod- sunod kong tanong.
Nagkibit- balikat si Lolo at pinuntahan si Lola na halos himatayin habang nagluluto. Nilapitan naman ako ni Gabbi at kinakabahang yumakap sa akin.
Just when I was about to lose my mind, my phone lights up indicating a text has been sent to my number. Binasa kong mabuti ang nakalagay roon at halos mawalan ako ng malay sa nakita.
Unknown Number:
Hawak namin ang Papa mo. Pumunta ka sa lugar na sasabihin namin kung gusto niyo pang makitang buhay ang lalaki na 'to.
BINABASA MO ANG
Pay The Price
RomanceIn everything that we do, there's always a price. Even the happiness that we feel also has a price to pay. Bella Renly knew it from the very start. And so, as much as she could, she refrain herself from falling for Dimitri Everett, her boss. But fat...