Prologue

54.5K 809 147
                                    

"So you're telling me na inlove ka sa ate ko?!" Sigaw niya sa'kin.

"Yes I'm telling you." Sabi ko at lumapit sakaniya pero umurong siya. "Keiti"

"Stay right there!" Sigaw ulit niya. "Why Gael!? Bakit hindi nalang ako!?" Galit na sigaw niya. "I was here Gael!? Bakit ba hindi mo'ko magawang piliin?!"

"S-sorry" Iyon nalang ang nasabi ko.

Hindi ako sanay na nakikipag talo sakaniya, alam ko mali na pinili ko ang ate niya kaysa sakaniya.

Alam ko ginulo ko ang isipan at damdamin niya.

"Alam mo ang hindi ko maintindihan bakit kailangan mong mag sinungaling sa'kin?!" Napatingin ako sakanya. Umiiyak na siya ngayon pero mas nananaig 'yong galit sakaniya. "You told me na hindi ka mag kakagusto sa isang tao pag apat na taon 'yong agwat niyo kase for you age does matter! Pero tangina Gael, limang taon 'yong agwat niyo ni ate at sa'kin dalawa lang!" Napayuko ako.

Wala talaga akong balak na magustuhan ang ate niya, wala sa plano ko basta bigla nalang akong nagkagusto sakanya kahit ubod siya ng sungit.

Ito 'yong kinatatakutan ko e, ang mawala silang pareho sa'kin baka sa pag amin kong 'to pareho silang mawala sa'kin, 'yon ang hindi ko kakayanin.

"Keiti, I love you." Sabi ko at lumapit sakanya.

Niyakap ko siya ng mahigpit, nung una nag pupumigpas pa siya pero bumigay din agad at wala ng nagawa kundi umiyak nang umiyak.

"Mahal kita Keiti pero bilang kaibigan lang.. Parang kapatid na din kita e." Sabi ko habang nakayakap sakanya.

Medyo tumigil na siya sa pag iyak pero hindi niya paren ako niyayakap pabalik.

"Do you really like her?" Tumango ako. "Then it's fine with you to lose me?" Napatingin ako sakanya.

"Ha?"

"Hakdog" inirapan niya ako na kinasimangot ko.

Inalis niya 'yong mga braso kong nakapalupot sakanya at hinawakan 'yon.

Napatingin ako sa mga kamay namin. "I told you before diba? Ikaw nalang ang meron ako.. Lahat kase nakukuha ni ate at akala ko hindi ka niya makukuha kase you told me na impusibleng mag kagusto ka sakanya" Tumingin siya saken."Hindi ba sabi ko noon, once na magustuhan mo siya then be ready to lose me" Napailing ako ng sunod-sunod.

"No.. Keiti, I don't wanna lose you." sabi ko.

"But you already did." Sabi niya at ngumiti ng tipid tsaka niya binitawan ang mga kamay ko.

"Keiti" Tawag ko sakaniya pero nakatitig lang siya sa'kin.

"I'm happy that I met you.." Sabi niya at tinalikuran ako. "But maybe.. I'll be happier if I didn't met you." At dahil dun tumulo na mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Hindi ko na talaga alam kung ano pang gagawin ko. Napaupo ako at napayakap sa mga tuhod ko, para akong nawalan ng kapatid sa nangyare. Dapat pala..

"You should have choose her over me." Napaangat ako ng tingin.

Kinuha ko 'yong inabot niyang panyo at pinunasan 'yong mga luha ko at nilabas lahat ng sipon ko dun tsaka ko binalik sakaniya.

"Iww gross, keep it." Maarteng sabi niya.

Arte talaga, sipon ko na 'yon ayaw niya pa.

"Ayoko naman siyang piliin dahil gusto niya ako." Umiwas ako ng tingin sakanya."Gusto ko kung pipiliin ko yung isang tao dapat gusto ko hindi yung gusto lang ako" Ngumiti ako tsaka ko siya tinignan. "Kaya nga pinili kita e."

"But I don't like you." May mas isasakit pa ba 'to? Bakit ganito nalang lagi parang sinasaksak ako ng paulit-ulit.

Para akong patay na pinatay ulet dahil sa sinabi niya.

"Sinasabi mo lang 'ya—"

"I really don't like you Avenido." putol niya sa'kin "It's illegal, you're my student."

"Pag ba pwede na, pag graduate na'ko.. Sasabihin mo na ba sa'kin na gusto mo din ako?" Sabi ko at napatingin ako sa kawalan.

"No." Simpling sagot niya.

"Bakit hindi mo'ko kayang magustuhan?" Tanong ko sakanya.

"Why can't you like my sister back?" Napatingin ako sakanya dahil sa tanong niya. "Your answer will be my answer Avenido." Sabi niya at tinalikuran na din ako.

Pero bago pa siya makaalis ng tuluyan nag salita pa siya.

"If she doesn't like you.. Maybe there's a chance."

Napangiti ako ng mapait dahil sa sinabi niya, she love her sister more than anything.

Siguro kung nag kakilala lang kami sa ibang pag kakataon baka napag bigyan pa kami ng tadhana.



















Disclaimer

This is a work of fiction, any names, characters, businesses, place, events and incidents are just part of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This story is inspired by some events of my life that I've experienced last year but some events are just made up by pure imagination and again not all events were base on true story, some of it are just made up.

PLAGIARISM IS A CRIME!

It's gonna be a ProfxStudent. It's not an Intersex just like Playful Tadhana but it's still a GXG, so it's up to you if babasahin nyo or hindi.

Buhay nyo naman yan eh hahaha eem

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon