Chapter 83: My Cousin

11.3K 442 131
                                    

Yereah Gael's POV

Agad kong sinabi kay Mommy yung nangyaring tagpuan namin nung feeling artista sa hallway kanina.

Hindi mawala sa isip ko yung ngisi niya para akong natakot na hindi mo alam sabihin.

"I already have leads, just continue pretending that you still have an amnesia" ayan nanaman po siya.

"May amnesia naman talaga ako mommy!" Inis kong sabi sakaniya.

Tinignan niya ako ng masama kaya napatiklop ako bigla.

"Hindi pa bumalik lahat?" She asked.

Umiling naman ako at napairap siya "Poor Kirsten" bulong niya at umiling iling pa.

Minsan ang hirap makipag talo sa babaeng to, ikaw na nga yung tama pero mali ka parin. Parang lahat ng sasabihin niya is tama lang dapat.

Natataob kami ni Papa sakaniya, nanay ko ba talaga siya? Legit na yun?

Sabay kaming napatingin sa pinto ni Mommy nung biglang bumukas at niluwa nito si Dinning.

"Who are you?" Mataray na tanong ni Mommy.

"Blockmate po ni Gael" teka hindi naman ako nag pakilala sakaniya eh.

Paano niyang nalaman pangalan ko?

"I'm still talking to her, you can leave now" malamig na sabi ni Mommy.

"B-But—"

"Go! Now!" Sigaw ni Mommy kaya kumaripas ng takbo ni Dinning.

"She's too pushy" napatingin ako kay ate Yel na kakalabas lang ng CR.

"I don't know how but I didn't tell her my name" sabi ko.

"I know her but the main question here is.." tumingin kami kay mommy nung putulin niya sasabihin niya.

Nakatingin siya saken at napangiti. lumapit siya saken at may kinuha sa may kwelyo ng damit ko.

"What a sneaky little brat.." para siyang maliit camera or speaker. I don't know basta black siya na maliit.

"Kaya pala nag pupumilit dumikit kay Yereah" nilapag ni Mommy sa lamesa yung maliit na yun at biglang hinampas ng takong ng heels niya.

Jusko parang pumatay lang ng ipis eh.

"It's not a bluetooth kind of device" sabi ni ate "Recorder lang siya and she need to get it back ang kaso nakita ni mommy"

"I get it now.. that's why she's alive" ehh alive? Sino? "But how.. "

"Sino po?" Tanong ni ate Yel.

"You'll find out soon enough." Sabi niya at tinignan ako "Be careful who you trust, much better kung sila Polla lang nakakasama mo" sabi niya saken.

Napatango naman ako na parang asong napasunod ng amo niya.

"Ate may tanong ako" tinignan niya naman ako.

"Yeah?"

"Professor dito si Mrs. Avenido?" Nag katinginan sila ni Mommy at napailing pa ng sabay.

"Yes" sagot niya.

"Eh diba asawa ko siya, sabi niya.. bakit nag tuturo parin siya dito? Bawal yun diba?" Tuloy tuloy kong tanong.

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon