Yereah Gael's POV
Sunday ngayon at kakauwi ko lang galing kay Papa, bukas na sana ako uuwi kaso si Papa atat na atat na pauwiin ako parang tanga naman.
Ayaw na ata saken ni Papa kaya kung palayasin ako wagas. Parang di anak ah.
At dahil naiinip ako dito sa dorm dahil wala naman si Keiti di gaya dati nakakabonding ko pa siya pero ngayon wala siya.
Kailan kaya niya ako kakausapin? Alam ko naman na nasaktan ko siya eh pero.. Hindi walang pero, nasaktan ko talaga siya. Mali ako.
Kahit saan mo tignan mali ako sa part na hinayaan kong mahulog ako ng tuluyan sa ate niya. Inang puso kase to, pipili nalang dun pa sa taong komplikado.
Sinaktan niya pa ako nung isang araw tse sana masaya siya na winasak niya ung puso ko ng pinong pino. Hindi sana masarap ulam niya.
Tumayo na ako at nag bihis, lalabas nalang akong mag isa. Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Hindi naman ako mag mumukmok dahil lang sa mapanakit kong Professor.
Bukas pa kase ako mag iistart sa trabaho ko kaya bukas malilibang ko ung sarili ko at malalayo ako sa mag kapatid na un. Ayaw ko mang lumayo pero pakiramdam ko ayaw nila sa presensya ko kaya lalayo na muna ako sakanila ng pansamantala.
Bukas na din ung Campus Festival kaya kahit hindi nako pumasok sana kaso pinipilit ako nila Polla eh. Para daw kausapin ako ni Keiti.
Pero pag umabot ng dalawang buwan na hindi parin ako kinakausap ni Keiti, gagawa na talaga ako ng paraan para kausapin niya ako.
Pero sa ngayon lalayo muna ako, malay mo pag namiss nila ako sila na mismo mag hanap saken diba? Hehehe ang brainy ko talaga nakakabilib.
Lakad lakad ako sa labas ng ZU, wala akong pera eh kaya nag lakad lakad lang ako. Hindi naman ako madaling mapagod, dati kase nung nasa probinsya pako tinatakbo ko ung bundok hanggang sa taas. Ganon ung jogging ko, nag babasketball kase talaga ako. Tumigil lang ako kase ano wala lang trip ko lang.
"Yereah?" Mag didiwang na sana ako kase iisang tao lang tumatawag sakin nun pero ibang boses narinig ko eh.
Hinanap ko ung may ari ng boses na un at dun ko nakita si Cara, ayy Cara ba? Ewan ko basta.
"Hi" bati ko sakaniya.
"Where are you going?" Tanong niya.
"Ahhh hindi ko nga alam eh" pag amin ko "Naiinip lang ako sa bahay" sabi ko sakaniya.
"It's getting late na ahh" sabi niya kaya napatingin ako sa oras.
"4pm palang naman eh" sabi ko.
"Hmmm wanna come with me nalang?" Dapat bakong sumama sakaniya? Mukha naman siyang harmless eh tyaka mga te magaan loob ko sakaniya.
What if past lover ko to kaya magaan loob ko sakanya? Okaya what if nanay ko pala siya sa past life ko?
"Saan?" Imbis na sagot ko.
"Sa bahay, I want you to meet my mom" nakangiti niyang sabi.
"Para saan? Di naman tayo close eh" sabi ko "Baka ibenta mo lang ako" natawa siya sa sinabi ko.
"No silly, why would I do that?" Natatawa niyang sabi.
"Kase ang ganda ko? Tyaka maraming bibili saken. Kikita ka ng malaki" natatawang umiling siya.
BINABASA MO ANG
Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]
Romance[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she likes you back but her sister likes you too? What will you do? What if being poor will be against ever...