Yereah Gael's POV
"I'm his Girlfriend" sabi ko sakanila at ngumiti ng pag katamis tamis ng di sinasalubong ung tingin ng isa.
Hinawakan ko ung kamay ni Kuya Dior sa taas ng mesa at tinignan ko siya. Nung ngumiti siya alam kong nagets naman niya ung pinaparating ko.
"You're gay right?" Tanong ni Ma'am na kinalaki ng mata ko kaya napatingin ako sakaniya.
"I'm sorry?" Medyo kabadong sabi ni kuya Dior, nanlamig din agad ung mga kamay niya.
"Akala niya lang po un but when he met me.. He knew that he's straight" derestong sabi ko kay Ma'am. Sinalubong ko ung mga matatalim niyang tingin na nakakatagos talaga.
Hindi ko alam kung anong problema ni ma'am bakit kailangan pa niyang itanong un eh.
"Is that true?" Tanong ni mokong kay Kuya Dior.
"Yes, she's my girlfriend" napangiti ako kase naalis niya agad ung kaba niya.
Sinasakyan ko ngayon si Kuya Dior kase ayokong makahalata tong si Mokong na may lihim akong pag tingin sa girlfriend niya tse. Alam ko naman na hindi ko mapagseselos si ma'am kay Kuya Dior kase alam naman niyang nag papanggap lang kami nito, siya pa nga una kong sinabihan eh.
"What?" Nagulat ako nung may umakbay saming dalawa. "May girlfriend ka?!" Sabi niya.
"Ahh y-yes"
"Oh god, Dad needs to know this" hindi na siya napigilan ni kuya Dior nung bigla siyang umalis.
Tinignan ko siya at bakas sa mukha niya ung kaba niya. Nginitian ko lang siya para mapagaan ung loob niya kahit na papaano pero feel ko sakin napunta ung kaba parang natatae nanaman ako.
Mali ka ng iniisip Yereah, mali ka ng iniisip.. Mali..
"When's the wedding?" Para akong nabuhusan ng sobrang lamig na tubig hindi lang dahil sa tanong pero alam ko samin tinatanong un dahil nasa likod ko lang nanggaling ung boses.
"W-what wedding dad?" Kabadong tanong ni Kuya Dior.
"This young lady is your Girlfriend right?" Tukoy niya saken. Kamukha siya ni kuya Dior.
"Y-Yes D-dad b-but..."
"No more buts Dior.. I want you to marry her—"
"She can't do that" lahat kami napatingin kay Ma'am Velarde nung bigla siyang mag salita.
"Why can't she? She's my son's girlfriend" nakakatakot ung tono ng pananalita niya kahit kalmado lang pero si Ma'am chill lang na nakaupo tapos umiinom pa ng wine amp.
"She didn't came from a rich family.. just so you know she is poor" napakunot ung noo ko sa sinabi niya.
Sinasabi niya bang bawal nakong mag pakasal sa isang taong mayaman dahil mahirap ako? Tanginang yan. Edi bawal akong ikasal sakaniya? About nalang ba sa pera lahat? Kaya ko naman siyang buhayin pag natapos ako sa pag aaral ah? Parang indirect rejection ung nangyare ah tngina.
"Dior, explain!" Napayuko ako, bigla akong kinabahan.
"Dad, diba dapat matuwa kayo? Kase may girlfriend na sa wakas si Dior?" Sabi ni kuya Dalandan.
"No, if she didn't came from a rich family. I won't allow this relationship.. Peperahan mo lang ang anak ko!" Napakagat ako sa lower lips ko.
BINABASA MO ANG
Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]
Romance[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she likes you back but her sister likes you too? What will you do? What if being poor will be against ever...