Chapter 37: Lose Both

13.5K 500 124
                                    

Yereah Gael's POV

"Keiti.. I'm Sorry" napaurong siya at parang naguguluhan sa sinabi ko.

"I.. I don't—"

"Sorry, pero hindi ko masusuklian ung nararamdaman mo" nakayukong sagot ko, hindi ko siya kayang tignan.

Napakuyom ako sa mga palad ko, ayoko siyang biglain pero bakit pabigla bigla tong umamin?

"W-Why? D-Do you like someone else? Sino?" Napakagat ako sa lower lips ko.

Masasaktan ko siya lalo pag sinabi ko pero papatagalin ko paba? Minsanan nalang nandito na din naman eh. Humarap ako sakaniya.

"I'm sorry.. H-Hindi ko naman sadya na magustuhan siya eh.. Maniwala ka, sinubukan kong iwasan, sinubukan ko talagang pigilan" sabi ko at lumapit sakaniya.

"Who?" Kunot noong tanong niya "Wag mong sabihing si Ate!?" Napaiwas ako ng tingin sakaniya.

Hindi ko sinagot ung tanong niya, nanatili lang akong tahimik at pilit na iniiwasan ang mga tingin niya.

"I can't believe you!" Sabi niya kaya napatingin ako sakaniya. Napahilamos siya sa mukha niya "Kay ate?!" Dahan dahan akong tumango.

"Hindi ko na sana sasabihin sayo pero gusto ko talaga siya.. Kakalimutan ko nalang sana"

"You're choosing her over me?!" Napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Hindi ko naman sadyang mainlove"

"So you're telling me na inlove ka sa ate ko?!" Sigaw niya saken.

"Yes I'm telling you" sabi ko at lumapit sakanya pero umurong siya "Keiti"

"Stay right there!" Sigaw ulet niya "Why Gael!? Bakit hindi nalang ako!?" Galit na sigaw niya "I was here Gael!? Bakit ba hindi moko magawang piliin?!"

"S-sorry" un nalang ang nasabi ko.

Hindi ako sanay na nakikipag talo sakanya, alam ko mali na pinili ko ang ate niya kesa sakaniya.

Alam ko ginulo ko ang isipan at damdamin niya.

"Alam mo ang hindi ko maintindihan bakit kailangan mong mag sinungaling saken?!" Napatingin ako sakanya. Umiiyak na siya ngayon pero mas nananaig ung galit sakanya. "You told me na hindi ka mag kakagusto sa isang tao pag apat na taon ung agwat nyo kase for you age does matter! Pero tangina Gael, limang taon ung agwat nyo ni ate at sakin dalawa lang!" Napayuko ako.

Wala talaga akong balak na magustuhan ang ate niya, wala sa plano ko basta bigla nalang akong nagkagusto sakanya kahit ubod siya ng sungit.

Ito ung kinatatakutan ko e, ang mawala silang pareho sakin baka sa pag amin kong to pareho silang mawala saken, un ang hindi ko kakayanin.

"Keiti, I love you" sabi ko at lumapit sakanya.

Niyakap ko siya ng mahigpit, nung una nag pupumigpas pa siya pero bumigay din agad at wala ng nagawa kundi umiyak ng umiyak.

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon