Chapter 33: Hindi Pwede

15.4K 524 90
                                    

Yereah Gael's POV

"Mag kamay ka nalang kase ang arte talaga" sabi ko sa katabi ko na kanina pa nag iinarte.

Gusto niya kaseng mag kutsara sabi ko mag kamay nalang siya tyaka kumakain lang kami sa dahon ng saging eh. Hindi ako nag dala ng plato.

Ano bang gagawin ko sa professor kong to. Napailing nalang ako at sinubuan nalang siya. Inirapan niya muna ako bago kinain un sinusubo ko sakaniya kaya natatawa nalang ako.

Kada sinusubu niya un natitigilan talaga ako pano kaya dumidikit ung labi niya sa kamay ko, parang gusto ko siyang sunggaban eh.

"Hindi kapa aamin sakin ma'am?" Biglang tanong ko.

"Huh? Confess? About what?" Kunot noong tanong niya.

"About sa feelings mo saken, umamin kana ako na to eh—aray!" Daing ko sa sakit nung kurutin nanaman niya ako sa tagiliran.

Hilig mangurot sa tagiliran eh. "Stop talking nonsense" sabi niya na kinairap ko.

"Nonsense ampota ayaw lang umamin eh" bulong ko at sinubuan siya ulet pero masama ung tingin niya saken. Hindi ko pinansin un bahala siya sa buhay niya.

Nanahimik kami habang kumakain hanggang sa natapos kami tanging tunog lang ng pagbagsak ng tubig ang naririnig at simoy ng hangin. Tumingin ako kay Ma'am na nakatanaw sa talon.

"Ma'am" nag tatanong na tinignan niya ako.

"Ang ganda mo" nakangiting sabi ko. Parang may kung anong kinang ung mga mata niya hindi ko alam kung dahil langba un sa tubig pero lalong gumanda ung mga mata niya.

Hindi siya sumagot pero nag iwas siya ng tingin kaya natawa ako ng mahina kase namula siya.

Nag stay pa kami saglit dun bago namin naisipang umuwi na kase medyo nag didilim na din. Hinawakan ko ung kamay niya habang nag lalakad kami at hindi naman siya nag reklamo kaya ngiting ngiti nanaman ako.

Pag dating namin sa bahay nakita ko si papa na parang hinihintay kami sa labas ng bahay.

"Pa" napakunot ung noo niya at tinignan ung kamay namin ni Miss Velarde. Kaya napabitaw ako sa kamay niya.

"Iha pwedeng samahan moko sa bayan, mamimili lng ng maluluto para sa hapunan" sabi ni Papa pero hindi siya saken nakatingin kundi kay Ma'am.

"Sige—"

"Dito ka nalang Gael" sabi niya ng hindi ako tinitignan.

"Eh pa hindi naman—"

"It's fine, I'll just change my clothes" sabi niya kaya napairap ako.

"Pa, wag mong tatakutin si Ma'am. Kilala kita" sabi ko sakaniya nung kapasok ni Ma'am sa loob.

"Kakausapin ko lang naman" sabi niya.

"Pa naman!" Maktol ko pero hindi nanniya ako pinansin kaya napairap ako.

Ilang sandali lang lumabas na ulet si Ma'am. "Let's go po" dikk maiwasang hindi mabahala. Baka kase kung anong sabihin ni papa sakaniya.

"Ma'am wag kang maniniwala sa mga sasabihin ni papa ah" bulong ko kay ma'am kaya kumunot ung noo niya. Mag sasalita pa sana siya pero niyaya na siya ni Papa na umalis.

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon