Chapter 53: Auction

16.3K 661 232
                                    

Third person's POV

Nasa back stage na ngayon sila Gael at dumadami na din ang tao sa loob ng Auditorium kung saan gagawin ang auction.

"Ako ba mag hohost? Diba sa MasCom to?" Takang tanong ni Gael.

Hanggang ngayon din kase wala siyang makuhang sagot sa dalawang humila sakaniya.

Hindi siya pinansin nung dalawa at lumayo sila kay Gael. Hinabilin nila si Gael kay Keiti at lumayo ang tatlo ng konti kay Gael.

"Nakausap mo na ba si Ma'am Morris?" Tanong ni Louise kay Polla.

"Yes Gurang" pinaningkitan ni Louise ng tingin si Polla kaya natawa ito.

"Mag seselos ba si Ma'am kay Ma'am Cha?" Tanong ni Jeff.

"Yup, I'm sure of it" nguting tagumpay na sabi ni Polla.

"May gusto pa ba si Ma'am kay Gael?" Naiintrigang tanong ni Louise.

"Oh believe me, wala na" nakangising sabi nito kaya nag katinginan ung dalawa.

"Buti naman" tumingin si Louise kay Jeff.

"Ikaw nakausap mo na si kuya Dior?" Tanong nito kay Jeff.

"Yep, he'll bet 100k agad sabi niya" nanlaki mata ni Louise at napangiti ito na parang nanalo siya ng lotto.

"Mapag kakakitaan naman pala natin si Gael eh" natutuwang sabi nito kaya nasapok siya ni Polla. "Aray ko bakit!?" Inis nitong tanong kay Polla habang nakahawak ito sa likod ng ulo niya.

"Be thankful na my love of my life is helping but walang makukuha ung booth if Cha will win" sabi ni Polla at sumimangot.

"Kaya nga nandito kami ni Jeff kung gano kataas makuha natin pag hahatian namin ni Jeff at un ang ibabayad sa booth niyo" sabi ni Louise na kinatango lang nito.

"Siguro naman after this,  Ate Ten will make amin na no?" Napatingin sila kay Jeff.

"Bawas bawasan mo kakasama kay Polla ha" sabi ni Louise kaya nakatanggap nanaman siya ng sapok kay Polla. "Nakakadalawa ka na ah!" Inis nitong sabi.

"Why ako nanaman ba kase?!" Irita nitong sabi.

"Yang kakonyohan mo kase.. Nahawa na si Jeff sayo" sabi niya.

"Well it's not my kasalanan kaya duhh" masungit nitong sabi at nag flip pa ng buhok.

"Kadiri naman Polla!" Reklamo ni Louise nung makain niya buhok ni Polla.

Tinawanan lang siya ng dalawa.

Lumapit na sila kay Gael na nakasimangot parin. Lahat ginagawa nila para kay Gael.

Ayaw lang nila sa lahat ay ang nasasaktan ang bunso nila.

"Ano ba kaseng ginagawa ko dito?" Tanong ulet ni Gael.

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon