Chapter 14: Rumors

16K 553 103
                                    

Yereah Gael's POV

Dalawang buwan na nakalipas at lalo kong naging close si Pink at si Keiti. Napapadalas na din pang aasar ko kay Miss Velarde.

Lalo na ding naging clingy si Keiti na ngayon ay okay na saken kase nagiging komportable na din naman ako sakaniya. Pero pag kaming dalawa lang naman kaya keri lang.

Si Pink naman tinanggap ko na din ung pinag sasabi niyang tropa kami. Pag hindi naman ako umuuwi ng weekends nag aaya sila na tumambay sa bahay nila Keiti.

Weird lang kase sa mga nag daang araw alam ko patay na patay si Pink kay Keiti pero pag pumupunta kami sakanila si Miss Velarde ung kinakausap niya imbis na si Keiti kaya ending kami ni Keiti ung nag kukulitan.

And speaking of Miss Velarde, lagi paren siyang masungit at galit saken na parang lahat ng sama ng loob saken na niya binuhos.

Tulad nalang ngayon dahil nalate ako ng one minute pinapasok naman niya ako kase lima kaming late. Hindi niya dapat kami papapasukin kaso may bisita kaya bawal mga student sa hallway na pakalat kalat.

At dahil ayaw niya sa late may punishment siyang binigay at un ung mag sulat ng 'I promise I won't be late in Professor Velarde's Class' harap likod pa dapat, parang elementary naman e.

"What is that Miss Avenido?" Napalunok ako nung marinig ko un.

Nasabi ko nanaman ba ng malakas? Napasampal ako sa noo ko. 'Shit naman Yereah e, katanga talaga kahit kailan' sermon ko sa sarili ko.

"A-Ahh.. W-Wala po"

"Parang elementary?" Kahit nasabi ko na before na hindi ako natatakot sakaniya. Ibahin niyo pag nasa klase, matatakot ka talaga lalo na pag alam mong mali ka binabawi ko na ung hindi siya nakakatakot. Kaya ko lang siyang kontrahin sa labas ng klase niya eh.

"Ahhh ma'am w-wala naman akong—" bigla niyang kinuha ung papel ko tapos bumalik siya sa table niya at may kinuha dun.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makabalik siya sa harap ko.

Nilapag niya ung isang bong manila paper sa harap ko at isang lapis na sing liit lang ng hinliliit ko wala pang pambura ah.

"Dyan ka mag sulat" napanganga ako sa sinabi niya "I don't want to see any spaces and it should be readable" napalunok ako at tinignan ung manila paper.

Seryoso ba siya? Dito? Ginagago bako ng professor nato?

"Ma'am d-dun nalang sa p-pape—"

"Shut up Avenido and stop using tagalog in my class" nakakapikon naman.

Paano kong masusulatan to? Ang panget pa ng lapis na binigay niya parang nginatngat tapos pudpod pa.

Kung ballpen gagamitin ko mauubos ung isang un e.

"Back and front Avenido" ampotangina? Harap likod? Ung buong manila paper? Nakng—

"Ma'am na—"

"One more complaint and I will add another manila paper" napatikom ung bibig ko sa sinabi niya.

Nakasandal ung pwitan niya sa table niya habang nakatingin saken "I want that in my office at 6pm sharp" sabi niya at kinuha na mga gamit niya "We will have an oral recitation tomorrow, Class dismissed" at umalis na siya.

Napabagsak ung ulo ko sa mesa ko, nakakaasar sa totoo lang.

"Okay lang yan Gael" natatawang sabi ng katabi ko "Agahan mo na kase sa susunod" tinap niya ung balikat ko at umalis na.

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon