Chapter 43: Bonding

14.3K 545 216
                                    

Yereah Gael's POV

"Ate, gising ka?" Tawag ko sakaniya. Kanina pa kase ako nakapikit pero hindi ako makatulog.

"Hmmm.. Can't sleep?" Nag mulat siya ng mata at tumagilid para harapin ako.

"Oo eh" sagot ko naman.

"Hmm what do you wanna do?" Tanong niya.

"Inom tayo" sabi ko, natawa naman siya ng mahina.

"Bawal ako baliw" natatawa niyang sabi.

Ayy oo nga pala. "May tanong nalang ako"

"Hmm what is it?"

"Ganon ba talaga pag mayaman ka at ayaw mong maubusan ng pera?"

Takang tinignan niya naman ako "What do you mean?" Tanong niya.

"Kanina kase.. Hindi ako marites ahh unahan na kita" natawa siya sa sinabi ko "Bakit kase pag uusapan niyo un ng may bisita kayo eh" sabi ko sakaniya.

"We're just like that babe.. I think it's normal" sabi niya at umiling. Normal amputek.

"So ayun nga.. Diba sabi nila kanina kailangan mong makipagsakal dun sa kung sino man.. About sa kumpanya at pera parin ba un?" Tanong ko sakaniya.

Natawa muna siya ng mahina "it's kasal baby girl it's not sakal" natatawa niyang sabi.

"Diba sakal un kase hindi mo naman mahal ung papakasalan mo?" Sabi ko sakaniya.

Natawa nanaman siya saken "Silly.. But to answer your question, no hindi about sa kumpanya un and definitely not about money" nagtatanong na tinignan ko siya.

Huminga siya ng malalim tapos tumingin sa kisame "May nangyare kase samin nung bata ako and gusto nila mommy na idemanda siya kase nga minor pako nung may nangyare samin and legal age na siya nun" kumunot ung noo ko.

"Grabe naman.. Paanong nauwi sa kasal?" Tanong ko sakaniya.

"Nag usap sila and sabi pananagutan nalang daw ako nung guy"

"At pumayag ka naman?" Tanong ko sakaniya.

Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama.

"Of course not, I like someone else nun at para hindi matuloy ung kasal I tried committing suicide" kumunot ung noo ko.

"Hoy, bakit mo ginawa un?" Di makapaniwalang tanong ko sakaniya.

"Ayaw ko kase talagang mag pakasal sa lalaking un. Ayaw ko sakaniya" sabi niya at tinignan ako. "Mali nga na ginawa ko un.. Wanna know why?" Tumango naman ako "kase they blamed the woman I like.. Siya ung sinisi kung bakit ako nag suicide"

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon