Chapter 4: Welcome to Zafra University

18.3K 574 108
                                    

Yereah Gael's POV

"So ikaw pala ung scholar" sabi niya.

Nakasuot na siya ng damit pero wala paring short, naka panty lang siya pero okay lang naman kase naka oversized tshirt siya. Nakita ko lang na naka panty siya kase tinaas niya damit niya e.

"Ahhh oo" sabi ko nalang.

Expect ko ung dorm namin walang cr tapos kama na agad pag kapasok mo pero hindi.

Well bukod sa kapasok ko kanina na siya nakita ko, sala agad ung makikita mo. May kusina din tapos may cr pero ang diko magets bakit iisa lang ung kwarto namin?

Literal na roommate, diman lang ginawang dalawa ung kama sa kwarto kase iisang kama lang meron.

Kahit na king sized pa siya, feel ko kase di ako magiging komportable.

Hindi naman sa ayaw ko siyang katabi kaso kase pag natutulog ako di ko maiwasang di yumakap sa katabi ko.

Minsan kase hindi talaga ko makakatulog pag walang niyayakap, nakakatulog lang ako ng walang yakap pag pagod talaga ako.

Ano ba yan, anong gagawin ko. Hindi na bale may unan naman pwede na un.

Baka kase katulad to ni papa na itutulak ako sa kama pag napapayakap ako sakanila.

"Hey?" Medyo nagulat ako nung niyugyog niya ako ng konti.

Natulala pala ako sa kakaisip dahil sa pesteng isang kama na to oh.

"Ahh sorry, ano un?" Tanong ko sakaniya.

Inikutan niya ako ng mata tyaka siya umupo sa side ng kama.

"Kanina pako nag sasalita dito dika pala nakikinig" sabi niya "What's your name? You didn't tell me your name kase natulala ka nalang basta basta" sabi niya.

Hindi naman dahil nabading ako sakaniya or what pero kase ang lapit lang talaga ng mukha niya kanina konti nalang mahahalikan na niya ako.

Baka masampal ko siya kung sakali, kahit nakiss nako ni Polla sa lips hindi parin counted un.

Para saken wala pa akong first kiss at ibibigay ko un sa taong mamahalin ko, kung mag mamahal man ako ah.

"Ahhh Gael" pakilala ko sa sarili ko.

Ayokong may tumatawag sakin ng Yereah, pwera kay papa.

"Cute" sabi niya, hindi ko na siya pinansin at inayos na ung gamit ko.

Kahit iisa lang ung kama dito sa kwarto namin may dalawa namang closet kaya okay pako, dalawa din ung study table sadyang ung kama lang ung iisa.

Pero ngayon ko lang narealize, mas malaki pa tong dorm namin kesa sa bahay namin ni Papa.

Sobrang yaman naman ng may ari ng ZU bakit di siya mag share para wala ng mahirap diba?

Hindi na din naman ako dinaldal ni Ezra kaya naligo nako at nung natapos ako saktong kalabas ko ng CR nag kasalubong ung tingin namin.

Nakatapis lang kase ako tapos basa pa ung buhok ko, hindi ko nalang pinansin ung mga tingin niya at kumuha nako ng damit sa closet ko. Build in closet pala siya tapos sliding na may human size mirror.

Nung nakakuha nako ng damit ko nag madali akong pumasok sa kwarto kase pakiramdam ko matutunaw ako sa mga tingin niya.

Ano ba Yereah, si Ezra lang yan.

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon