Yereah Gael's POV
Halos na subukan na namin lahat ng rides dito pero ayaw ko pang umuwi. Si Asteria naman ayaw na niyang sumakay sa mga rides.
"Wovey bili tayong cotton candy" sabi ko at lumapit sa nag titinda ng cotton candy.
"How much?" Tanong ko dun sa nag titinda.
"5 dollars" grabe ginto. Hindi ba 250 pesos na sa Pilipinas yun? Ang mahal naman.
"Wag na po pala—"
"I'll take two" wala na naabot na niya yung pera.
"Ang mahal naman eh" sabi ko sakaniya.
"So?" Tignan mo to ang sungit eh.
"Dapat hindi ka na po bumili" sabi ko naman.
"Edi ibalik mo" sabi niya at nag walk out.
Tinopak nanaman, sabagay minsan kahit wala naman siyang topak parang araw araw din siyang tinotopak eh.
"Woveyy" sinundan ko siya at nung maabutan ko siya agad kong hinawakan kamay niya na kinatigil niya.
"What?" Mataray niyang tanong.
"Mag bowling tayo" nag sawa nako dito eh. Tyaka para mawala yang kasungitan niya.
"Bowling?" Kunot noong tanong niya.
"Opo" nakangiti kong sabi
Tinignan niya oras sa relo niya at pati ako nakitingin na din. 7pm palang naman siguro may bukas namang bowling sa kung saan dito no?
"Okay let's go" napangiti naman ako.
Nag simula na siyang mag lakad hindi na din niya inalis yung pag kakahawak ko sa kamay niya. Hindi ko namang maiwasang hindi kiligin. Habang nag lalakad kami papuntang parking lot parang hindi ako mapakali kase parang may tumingin samin.
Iba yung napapatingin lang eh, nararamdaman ko yung titig na titig. Napahigpit tuloy yung hawak ko sa kamay ni Asteria kaya napatingin siya saken.
"Why?" Tanong niya.
Pilit na ngumiti ako sakaniya at umiling. Baka guni guni ko pang to.
"Wala po, tara na" nakangiti kong sabi.
Nung makasakay na kami sa kotse niya may biglang nag notif sa phone ko. Unknown sender siya and video yung sinend niya.
Nag suot ako ng earphone at pinlay yung video. Napakunot pa noo ko kase sa school yung lugar na to.
Mga nag tatawanan ang unang bumungad sa video.
"Iharap mo sakanila" sabi ng isa na diko mamukhaan kase hindi sakaniya nakaharap yung camera pero familiar yung boses niya.
"Tangina kase pre!" Kahit ata hindi ko makita kung sino yun eh kilala ko na.
Si Pink. So matagal na tong video na to? Bakit sinend pa nila sakin to? Tapos na din naman na yung issue namin sa isa't isa.
"Ahhh" natigilan ako sa boses ng isang babaeng dumaing sa sakit.
At dun ko nakumpirma na siya talaga yun nung tinutok sa dalawa yung camera. Si Louise at si Pink.
Sinusuntok ni Pink yung balikat ni Louise tapos si Pink parang galit na galit.
"Ano bang meron sa payasong yun ha?! Naiinis ako tangina niya!" Muli niyang sinuntok yung balikat ni Louise.
BINABASA MO ANG
Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]
Romance[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she likes you back but her sister likes you too? What will you do? What if being poor will be against ever...