Chapter 49: Reconcile

15.8K 575 115
                                    

Yereah Gael's POV

Hindi ko alam kung ilang oras na akong naka kulong dito sa fake na selda nila na pati ata ako masisira ko to kase gawa lang sa styro eh.

Niloloko bako ng mga to? Ung posas nila totoo tapos itong kulungan nila di man lang ginawang bakal mga letche.

Ang yayaman naman ng mga tao dito pero pang low budget mga gamit nila.

Mayamang kuripot ampota.

Maya maya may biglang pumasok sa loob kaya napatingin ako dun.

"Avenido, labas" aba gago to ah.

"Ayoko nga sino kaba?" Tanong ko sakaniya.

Pumasok siya sa loob ng selda nilang gawa sa styro.

"Labas na" hinila niya ako.

"Ayy pwersahan be?" Inis kong sabi sakaniya.

Hindi na niya ako pinansin at hinila nalang palabas.

Masakit pa nga kamay ko sa pag kakaposas ni Louise kanina e buti nalang inalis niya.

Walang ganang nag pahila lang ako sa unggoy na to.

Tumigil kami sa isang lugar tapos nag taka ako nung biglang posasan niya isa kong kamay.

"Hoy! Bakit--" napatigil ako sa pag sasalita nung makita ko ung isang kamay na nakaposas.

Napaangat ung ulo ko at nag tama ung tingin namin.

Kailan nga ba ung huling beses na tinignan niya ako ng ganto. Namiss ko siya.

Lumayo ako sakaniya ng pansamatala kase alam ko un ang kailangan niya. Para man lang mabawasan ung sakit na nararamdaman niya.

Pakiramdam ko kase pag nasa paligid niya ako lalo ko lang siyang nasasaktan kaya hinayaan ko na muna siya at hindi na muna kinulit o ginulo.

Handa naman akong mag hintay hanggang sa mapatawad niya ako at kausapin niya ako ulet.

Bukod kase kay Polla isa din siya sa malapit saken na parang kapatid ko na din. Si Louise at Jeff kase madalas akong binebaby ng mga un. Diko naranasan maging ate sakanila kase ako ung bunso nila.

Pero kay Keiti, nararamdaman ko kung paano maging ate kahit na papaano pero iba ung naramdaman niya para saken tapos ngayon naman sinasaktan ko siya.

"Tapos na kayong mag titigan? Okay na?" Napatingin ako kay Louise at sinamaan siya ng tingin pero nginisian lang ako ng loko.

Nagulat ako nung bigla niya kaming hilain tapos pinapasok niya kami sa loob ng locker.

Pota, buti nalang malaki ung locker at kasya kami pero gago sobrang dikit na ng katawan namin.

"Tangina Louise!" Inis kong sigaw.

"Wag kayong lalabas dyan hangga't di kayo nag kakaayos" rinig naming sabi niya.

Unti unti na ding lumayo mga yapak nila senyales na nakaalis na sila.

"S-Sorry--"

"I'm sorry for reacting that way the other day" napatingin ako sakaniya nung mag salita siya.

Hindi siya nakatingin saken.

"Kasalanan ko naman eh—" napatigil ako sa pag sasalita nung tinignan niya ako kaya napalunok ako.

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon