Chapter 71: Isusuko

18.4K 603 209
                                    

🔞WARNING!! MATURE CONTENT AHEAD!!🔞
READ AT YOUR OWN RISK!

Yereah Gael's POV

"Congratulations!"

"Congrats!"

"Welcome to the Family!"

Ilan yan sa mga narinig kong isinigaw ng mga kasama namin. Nandito na kami ngayon sa garden ng bahay ni Asteria. Dito na kami nag handa. Pinipilit pa niya akong sa ibang lugar nalang daw ung venue pero pinilit ko siya na dito nalang at pumayag naman siya.

"Ang bilis" sabi ni Polla. "Masyadong mabilis kumilis tong si Ma'am" sabi niya kaya natawa kami.

Medyo tipsy na din siya kase kauwi namin dito yung alak agad ung tinira niya. Sabi ko wag muna pero mukhang may problema nanaman sila ng asawa niya.

"When kaya ako makakakilala ng Kirsten ng buhay ko?" Lahat kami napatingin kay Louise.

"You already have one.. May lawit lang nga" sabi ni Polla kaya sinamaan siya ng tingin ni Kuya I don't know his name.

"Your words Polla" sita sakaniya ng asawa ko.

"Tsk" umirap lang siya at tumungga ulet ng alak.

"That's enough" aagawin sana ni Ma'am Charot ung baso kay Polla pero iniwas niya to.

"Pwede ba?! Stop controlling me!" Sigaw niya na kinagulat namin.

"Don't make a scene, please—"

"Don't make a scene? Really now Cha! Kakaayos lang natin tapos makikita kitang nakikipag landian sa labas, how pathetic am I to believe na mahal mo na ako!" Fudge, di na tama to. Baka may masabi nanaman siya na pag sisisihan niya kagising niya.

"W-What are you talking about?" Tanong ni Ma'am Cha.

"Oh you know damn well what am I talking about my dear wife!" Sarkastiko pa siyabg tumawa.

"Wovey, I need to stop her po" sabi ko sa katabi ko.

"Go" napangiti naman ako at lumapit agad kay Polla.

"Hindi ako nakikipag landian!"

"Liar! I saw her kissed you and you let her naman. I'm sick of pushing myself to you!" May mga luha ng pumatak mula sa mga mata niya.

Kalapit na kalapit ko sakaniya, hinila ko siya payakap saken.

"Ate, you're drunk. Tama na po" hinaplos ko ang likod niya. Pinatong naman niya ang ulo niya sa balikat ko at dun na siya humikbi.

"Polla—"

"Ma'am please.. Wag ka na pong lumapit, hindi ko alam ang buong detalye ng nangyare pero kung totoo man po yung sinabi niya, please lang po lumayo ka muna sakaniya. Hindi ko nagugustuhan ang mga ginagawa mo sakaniya" deretsong sabi ko sakaniya.

"Hindi ako nakikialam sainyong dalawa pero sumosobra naman po ata yung ganito." Dagdag ko pa.

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon