Chapter 17: Suyo well

15.5K 541 186
                                    

Yereah's POV

"Ilayo moko dito" sabi ko sa taong niyakap ko ngayon.

Hindi na siya nag salita pero kumalas siya sa pag kakayakap saken tapos pinunasan niya luha ko tapos nginitian niya ako.

Hinawakan niya kamay ko at hinila niya ako paalis dun.

Dipa kami nakakalayo nung may biglang humila saken sa kabila kong kamay eto nanaman mga bolta boltaheng nadaloy sa katawan ko e.

"Where are you taking her?" Malamig na tanong ng taong may hawak ng isa kong kamay.

"Bitawan niyo po ako" mahinang sabi ko.

"No Avenido, you're not going anywhere-"

"Bitawan mo na PO ako!" Tinignan ko siya at biglang lumambot ung ekpresyon ng mukha niya at lumuwag ung pag kakahawak niya saken kaya nahila ko ung kamay ko sakaniya.

"Gael, let's talk" si Keiti "Please don't drop out" napaiwas ako ng tingin sakaniya.

"Beshi, you're not serious naman diba?" Si Polla "But if you are we're coming with you talaga" dagdag niya.

"Yes she's right" pag sang ayon ni Jeff at Louise.

Nginitian ko sila "Stay here but for now.. I want to be alone" sabi ko at tinignan si Miss VP at tumango lang sakaniya.

Hinila na niya ako papunta sa parking lot, narinig ko pang tumawag si Miss Velarde pero hindi ko na pinansin.

Pinasakay niya ako sa kotse niya, sinandal ko ulo ko sa salamin ng kotse niya. Siya na nag kabit ng seatbelt saken.

"What happen ba?" Tanong niya.

"Inako ko lang naman lahat" sabi ko sakaniya ng hindi suya tinitignan.

"You don't have to do that.. I've saw the video and we all know that she's the one to blame" napangiti ako ng mapakla.

"Sinumbong niya ako sa Dean na ako daw may pakana nun para masiraan ko siya" tinignan ko siya. "Hindi na sana aabot sa ganom kung hindi niya lang dinamay nanay ko" napasingot ako, letcheng sipon to nakikisabay "Tawagin banamang malandi nanay mo dika magagalit?" Natawa ako. "Kahit hindi ko pa nakikita si Mama, wala siyang karapatan na ganunin si mama" sabi ko.

"Hayaan mo na siya" sabi niya.

"Sana nga ganun nalang ginawa ko" tumingin ako sa labas.

Hindi ko parin talaga magets kung bakit sobra akong naapektuhan nung si Miss Velarde na nag salita tapos sumabay pa si Miss Zafra.

Hindi na kami nag usap feel ko kase naramdaman niya na ayoko munang mag salita.

Naputol pag mumuni ko nung biglang mag vibrate ung phone ko.

Asteria
10 unread messages.
5 missed calls.

Keiti
3 unread messages.
2 missed calls.

Tinitigan ko muna ng ilang minuto un bago ko pinatay ung phone ko.

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon