Chapter 46: Dinner

16.1K 585 127
                                    

Yereah Gael's POV

"Let's go?" Nakangiti salubong saken ni Ate Faye.

Sinundo niya ako sa work ko na si Polla nag bigay diko nga alam na siya may ari ng isang coffee shop dito sa labas ng ZU. Sabi ko din sakaniya ayokong may special treatment ako kase kilala ko siya baka maging saling sisiw ako dito.

Nung sinundo ako ni Ate Faye kanina sa school nakausap ko pa si ma'am nun kaso ang wrong timing mag aya. Bahala siya hindi naman siguro big deal sakaniya ung pag reject ko kase diba sabi niya hindi niya ako gusto. Kung di lang sana dahil sa nagiguilty siya kaya siya nag aaya baka mas pinili ko pa siya kesa kay Ate Faye.

Ito namang si Ate Faye talagang hindi siya umalis sa coffee shop hinintay niya ako hanggamg sa matapos ako. Buti nalang limang oras lang ung work everyday. Nung una ayaw ko pero nagalit si Polla e.

Para nanaman akong batang sinesermunan ng nanay niya.

"Saan tayo?" Tanong ko sakaniya kasakay namin sa kotse niya.

"Sa bahay, nag luto kase si ate" sabi niya at pinaandar na ung kotse niya.

Habang nasa byahe kami umidlip na muna ako. Kulang tulog ko kase. Pinilit ko lang matulog kari ate Cara kanina pero 2-3am na din ata akong nakatulog nun tapos nagising kami 6am ayy hindi ako lang pala.

Nauna siyang nagising saken eh.

"Gael, wakeyyy wakeyy!" Napamulat ako ng mata nung may maramdaman akong nag yugyog saakin.

Si Ate Faye ung bumungad saken, napatingin ako sa paligid at nandito na pala kami.

Bumaba na ako sa kotse niya at inalalayan naman niya ako. Agad nakita ng mata ko ung ate niya na nag hihintay sa front door ng bahay nila.

"Hi Sweetie" sabi niya kalapit namin at niyakap niya ako.

"Tama na yan" nilayo na ni ate Faye ung ate niya saken.

"Napaka selosa mo naman" pang aasar niya kay Ate Faye.

"Tsk" tyaka niya ako hinila papasok.

Dumiretso kami sa dinning nila kase sinabi din ng ate niya na nakahanda na ung pagkain.

Pinaghila ako ng upuan ni ate Faye at nginitian ko naman siya bago umupo.

"How sweet" pang aasar ulet ng ate niya pero inirapan niya lang kaya natawa ako ng mahina.

"Ewan ko sayo ate" sabi niya at umupo na din siya sa tabi ko.

"Gael, did Tenten tried to stop you?" Tanong niya saken nung kaupo niya.

"Ahhh hindi naman sa pinigil" sabi ko.

Si ate Faye na nag lagay ng pagkain ko sa plato kaya napangiti ako sakaniya.

"Oh? What did she do ba?" Taning niya.

"Inaya niya lang akong mag dinner kaso sabi ko nauna na kayong nag aya eh tyaka sinabi ko din ung pinapasabi mo" sabi ko sakaniya.

Bigla siyang tumawa ng pagkalakas lakas. Takang tinitigan ko lang siya.

"Hayaan mo na, baliw yan" napatingin ako kay ate Faye "Kumain kana" sabi niya kaya napatango ako at nag simula ng kumain.

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon