Chapter 15: Retri daw

14.2K 512 201
                                    

Yereah Gael's POV

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan nung mabasa ko ung message ni Ma'am. Wala naman akong ginagawang masama pero feel ko galit na galit siya, hindi ko pa nga natatapos ung pinapagawa niya e.

Huminga ako ng malalim bago kumatok sa loob ng office niya pero nakakaisang katok palang ako biglang bumukas to at bumungad saken ung professor kong nakakunot ung noo.

Binuksan niya ung pinto at nag lakad siya papunta sa table niya. Pumasok nako at sinara ung pinto.

"Yereah" napatalon ako nung marinig ko ung napakalamig niyang boses.

"P-Po" Kinakabahan kong sabi.

"Why do you keep on locking the fucking door?" Agad kong iunlock ung pinto at sinara nalang. "Stupid"

Umupo ako sa upuan na kaharap niya habang siya nandun sa swivel chair niya.

"Do you like my sister? " deretsong tanong niya.

Wala man lang pa intro, diman lang ako kinamusta eh.

"Hindi" sagot ko na kinataas ng kilay niya.

"Really?"

"Oo"

"Then what are these rumors I'm hearing?" Masungit niyang tanong.

"Malay ko kay Pink" bumalik nanaman ung inis ko, literal na nawala ung kaba ko at napalitan ng inis.

Gusto kong tirisin ung gagong un sa totoo lang.

"So you're not in a relationship with her?" Napakunot ung noo ko.

"Hindi nga" nauurat kong sagot "Si Keiti dapat tinatanong mo kung may relasyon ba sila ni Pink e.. Pinag kakalat na kase niya na inagaw ko daw sakaniya si Keiti" napataas nanaman isa niyang kilay

"She said that?" Tanong niya.

"Ewan ko, sinabi lang samin"

"Then don't believe it if—"

"Pag tanggol mo sige" hindi ko alam bakit nasabi ko sakaniya un basta ang alam ko naiinis ako ngayon.

"Hindi ko siya—"

"Ganun ung ginagawa mo, kung sakaniya man nga galing un at kung pinagtanggol mo siya sa mga oras na to diko nalang alam" para siyang nagulat sa mga pinag sasabi ko pero di ko un pinansin nanatili ung inis sa mukha ko.

"Yereah—"

"Ma'am kung siya paren pag uusapan natin, aalis nako" tumayo nako at nag lakad palabas pero napatigil ako bago pa ko makadating sa pinto.

Hinigit niya ako sa braso parahap sakaniya, parang may mga boltaheng dumaloy sa katawan ko nung hawakan niya ako.

"Wait, I'm sorry okay" natigilan ako sa sinabi niya.

Nag sorry niya? Marunong siyang mag sorry?

"What?!" Inis niyang tanong nung nakatitig lng ako sakanya at walang sinasabi.

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon