Yereah Gael's POV
"I'm your mother" sabi ni Miss Zafra. Ung mabait na Zafra.
"Ano bang pinag sasabi mo?" Si papa.
"I'm your wife Gab—"
"Yesha, bakit mo ginagawa to?" Naguguluhang tumingin ako kay Papa.
Pati si ate Yel naguguluhan na din sa nakikita't naririnig niya.
Hindi ba ung Yesha un ung Masungit na Miss Zafra? Pero bakit nakatingin siya dun sa Mabait na Miss Zafra? Kanina pa din pinipilit ni papa na hindi si Miss Yesha ang babaeng kasama niya kanina.
Hindi pa nga napoproseso ng utak ko ung sinabi ni ate Yel at Polla na ate ko siya by blood. Kaya nga kami nandito para kumpirmahin kay papa lahat tapos madadatnan ko dito ung mag kapatid na to.
Hindi ko alam kung sino ang sino dahil mag kamukha sila pero ang weird lang kase mas magaan ung loob ko kay Miss Zafra na masungit.
Weird oo, pero parang ung babaeng nakakausap ko sa garden ng ZU at ung sa Office parang siya.
Nung time naman na unang beses kong nameet si Miss Zafra na mabait parang hindi lang un ang unang beses na nameet ko siya. Ang gulo talaga.
"What are you talking about Gab? I'm Elyse" sabi ni Miss Zafra na mabait.
"You can fool me once but you can't fool me twice.. I already know your goddamn tricks" medyo nagulat ako sa pag english ng tatay ko.
Gusto ko sanang pumalapak dito at puriin siya pero tyaka na, masyado silang seryoso baka kainin nila ako ng buhay. Makakaltok nanaman ako ng wala sa oras eh.
"Wow" manghang pabulong lang na sabi ni ate Yel. Pati pala siya nagulat kay Papa. So kapatid ko nga talaga siya?
"Fine!" Medyo nagulat ako nung biglang sumigaw si Miss Zafra na mabait.
Nag iba din ung expression ng mukha niya, ung ngiti niya hindi na ngiti ng isang anghel gaya ng dati, ngiting demonyo ung nakikita ko ngayon.
Napaurong ako kase natakot ako bigla, parang minsan ko ng nakita ung ngiting yan. Napatingin saken si Ate Yel at Papa nung umurong ako. Tumingin ako kay Ate Yel nung hawakan niya kamay ko. Nginitian niya ako at parang sinasabi niyang nandyan lang siya, wag akong matakot at hindi niya ako iiwan.
"Your mother is Yesa Elyse Zafra" biglang sulpot nila lolo't lola.
Oo, yan gusto nilang itawag ko sakanila eh.
"Elyesha, stop it now" ma-awtoridad na sabi ni lolo habang nakahawak sa balikat ni Miss Zafra na mabait na mukhang demonyo ngayon.
"N-Naguguluhan ako.. " nauutal kong sabi.
"Me too.." Sabi ni ate Yel "Mom, anong sinasabi nila?" Naguguluhan ding tanong ni Ate Yel habang nakatingin dun sa mabait na Miss Z.
Bigla namang lumambot ung expression niya at hindi na ito gaya kanina na malademonyong nakangiti.
Kumapit ako sa manggas ng damit ni papa kaya napatingin siya saken.
"I'm scared" sabi ko.
Agad naman akong niyakap ni ate Yel nung marinig nya un. Naramdaman kong hinahaplos ni papa ung likod ko.
BINABASA MO ANG
Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]
Romance[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she likes you back but her sister likes you too? What will you do? What if being poor will be against ever...