Chapter 10: Masungit at Maarte

15.7K 550 206
                                    

Yereah Gael's POV

"Hindi mo dadalhin ung binigay sayo?" Tanong ko kalabas namin sa office niya.

"No" maikling sagot niya at nag lakad na siya papuntang elevator.

Nakasunod lang ako sakaniya, hindi ko talaga alam kung san kami pupunta e basta nakasunod lang ako sakaniya.

Nung makapunta kami sa parking lot sinamaan niya muna ako ng tingin tapos inirapan pa niya ako.

"Sakay" malamig niyang sabi kaya sumakay nako pero kasakay ko ang sama lalo ng tingin niya saken. "Not there stupid! I'm not your driver!" Inis niyang sabi.

"Eh sa—"

"Here!" Turo niya sa tabing upuan niya kaya lumbas ako ulet at sumakay na sa harap.

Nag kamali lang e ang sungit agad.

"Stupid" rinig kong sabi niya at pinaandar na ung kotse.

"San tayo pupunta?" Tanong ko pero hindi niya ako pinansin. "Kikidnappin mo na ba ako?" Tanong ko at ulet di siya sumagot pero sinamaan niya ako ng tingin.

Panget ng ugali naman e, sumandal nalang ako "Itatanan mo lang pala ako sanang iniform moko para pre—aray!" Bigla akong nauntog sa harap nung bigla niyang prineno.

Sinamaan ko siya ng tingin pero napaiwas din ako agad kase mas masama ung tingin niya saken.

"What the fvck are you talking about?!" Inis niyang tanong.

"Dimo ba ako itatanan?" Tanong ko ng hindi tumitingin sakaniya.

"Who are you talking to?!"

"Ikaw"

"Then look at me stupid!" Napapikit ako at nag ipon ng lakas ng loob bago tumingin sakaniya.

Grabe naman kaseng mga tingin yan parang papatayin ako e.

"What did you say again?" Mataray niyang tanong.

"Pwede bang kausapin moko ng hindi ka nag tataray o nag susungit?" Maayos kong pakiusap pero inirapan niya lang ako.

"Tsk" inandar na ulet niya ung kotse pero tumigil siya ulet na pinag taka ko "seatbelt" malamig niyang sabi.

Tinignan ko lang siya at hindi talaga ako gumalaw kase anong gagawin konsa seatbelt? "Ahhgrrr how stupid can you be!?" Napapikit ako nung lumapit siya saken.

Amoy na amoy ko ulet ung bango niya na nakakaadik talaga shet.

"Stupid" napadilat ako ng mata at nakalayo na pala siya, nilagay lang pala niya seatbelt ko.

Inandar na niya ulet ung kotse niya at dahil bigla akong nainip kase ang tahimik nakaisip ako ng kalokohan.

"Asteria"

"W-What?" Nautal ba siya? Cute naman.

"Anong basa mo sa word na What pag inalis mo ung W tyaka T?" Tanong ko sakaniya.

"Ha?" Hindi niya sigurado sabi.

"Bingi mo naman, ulitin ko ha. Pag inalis mo ung W tyaka T sa word na What anong basa dun?" Tanong ko ulet.

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon