Chapter 58: Date

15.7K 595 158
                                    

Yereah Gael's POV

Tatlong linggo na din nakalipas simula nung naging girlfriend ko ung pinaka magandang nilalang sa balat ng lupa.

Ang saya lang pero ngayon halos dina maipinta mukha ko dahil sakaniya.

Kanina pa ako nag tataas ng kamay dito pero hindi niya ako pinapansin.

Kada napupunta ung tingin niya saken iirapan niya ako okaya ngingisian niya ako. Bastos na Professor to.

"Can someone give me the longest word in English" nag taas ako ng kamay at napangisi ako kase ako lang ung nakataas na kamay kaya napairap siya at tinawag ako.

Akala ko mag tatawag pa ng iba eh.

"What's the longest word?" Parang walang ganang tanong niya.

Ano bang problema ng babaeng to, kanina pa siya ah.

"The longest word in English is.." Tumingin muna ako sa buong klase na sakin na nakatingin, napangisi ako bago tumingin kay Ma'am "It's Pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis" nakangiti kong sabi.

Napatingin naman ako sa buong klase at halos mapanganga sila.

"Spell" napaawang ung bibig ko sa sinabi niya. Mahina ako sa spelling eh pero buti nalang memorize ko to.

"P-N-E-U-M-O-N-O-U-L-T-R-A..." Napatigil ako kase nakalimutan ko ng mga 0.10 second "M-I-C-R-O-S-C-O-P-I-C-S-I-L-I-C-O-V-O-L-C-A-N-O-C-O-N-I-O-S-I-S" pag tuloy ko at nginisian si Ma'am na masama na tingin saken.

Mag sasalita pa sana siya pero biglang nag ring ung bell kaya na dismiss na.

"Gagi bat alam mo un?" Tanong ng katabi ko.

"Minemorize ko na un matagal na" sabi ko sakaniya at ngumiti.

"Mamemorize din nga" sabi niya kaya natawa ako.

Lalabas na sana ako pero tinawag ako ni Ma'am. Pag lingon ko sakaniya nakaupo lang siya at nakahalukipkip ang mga kamay.

"Close the door" napangisi ako kaya nilock ko ung pinto. Kaming dalawa nalang din naman ung nandito eh.

Umupo ako sa kaharap na upuan ng table niya. "Bakit ang sungit mo saken ngayon?" Tanong ko sakaniya.

"Why haven't you followed me back on twitter and IG?" Ahh soo about pala dito "and you didn't accept my friend request!  Before I thought nakalimutan mo lang but it's been months!" May gigil niyang sabi kaya natawa ako ng mahina.

"What's funny?!" Ang aga pero highblood agad.

"Ayokong maging follower or friend mo lang e" sabi ko na kinakunot lalo ng noo niya. "I wanna be your wife" nakangiting sabi ko.

Pwede naman niya akong maging follower e. Sige ipafollow back ko siya mamaya.

Biglang namula ung mukha niya kaya natawa ako ng mahina at lumapit sakaniya. Dinampihan ko siya ng mabilis na halik sa labi at kinindatan.

"Date tayo mamaya" sabi ko "Ako gagastos at ako masusunod kung saan"

Ngayon din kase ung unang sahod ko dun sa coffee shop ni Polla eh kaya madadate ko si ma'am pero hindi sa mga mamahaling restaurant jusko hindi kakayanin ng budget ko. Buti nalang day off ko ngayon.

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon