Chapter 1: I'm Yereah Gael

45.2K 812 233
                                    

Yereah Gael's POV

"Yereah Gael!" Aga aga sigaw nang sigaw.

Tinakpan ko dalawang tenga ko gamit 'yong unan ko.

"GAEL! BUMANGON KA NA DYAN!!" Nag talukbong ako gamit ang kumot ko.

Anong oras palang pero 'yong bunganga ni Papa ang ingay ingay na, daig pa ung manok ng kapit bahay e.

"TANG—PAAAAAA!!!" Sigaw ko nung buhusan niya ako ng malamig na tubig.

Napabangon ako agad at tinignan siya. "Bath in bed! Goodnorning, aba tanghali na." sabi niya habang nag pipigil ng tawa.

"Nakakatawa? Talaga?" Biglang sumama ung tingin niya saken kaya napatakbo ako at lumabas ako sa bintana.

"Bumalik ka dito Yereah Gael!" Sigaw ni papa pero patuloy lang ako sa pag takbo.

Makukutos nanaman ako nito e, ito kaseng bibig na to walang preno kahit kailan.

Ako si Yereah Gael Avenido (Ye-rah Ga-el) 18 years old at gr. 12 na din ako.

Si papa nalang kasama ko sa buhay kase si Mama iniwan kami nung bata pa ako, ewan ko ba dun katapos niyang manganak saken iniwan nalang ako ng basta basta kay papa.

Sabi ni papa saken, ayaw daw ng pamilya ni mama sa mga mahihirap katulad ni papa. Wala naman daw kase kaming mararating kung mahirap lang kami.

Eh kung ipalamon ko sakanila ung buong palayan dito ng makita nila hinahanap nila? Kung walang mga mahihirap wala ding matatawag na mayaman no.

Kaya ako ayoko din sa mga mayayaman e, masyadong mayabang tapos mayaman lang sila ayaw na nilang masamutan ng mahihirap. Choosy pa sila ang ganda na ng lahi ni Papa e, ayaw nilang masamutan sila ng magandang lahi.

"Magnanakaw!! Tulonggggg!!" Bumalik ako sa realidad nung marinig ko ung sigaw na un.

Napatingin ako sa direksyon nila at sakto papunta sa direksyon ko ung magnanakaw kuno.

Napatingin ako sa may paanan ko kaya napangisi ako sa loob loob ko.

Kumuha ako nun at binilog sa mga kamay, hinintay kong makalapit sakin ung mamang magnanakaw na tumatakbo hanggang sa pumusisyon ako na ibabato sakanya at..

"AHHHHHGGRR!" Sapol si tanga.

Nag diwang ako sa loob loob ko "Yereah for three" sabi ko at natawa.

Tinignan ko lang  kung paanong kunin ng mga baranggay tanod ung lalaking papikit pikit pa.

Lumapit ako sakanila at kinuha ung bag sa kamay niya "Sa susunod kase ibato mo nalang saken, tanga ka kase e" ngising sabi ko dun sa mag nanakaw "Galingan mo sa susunod kuya"

"Siraulo ka talaga Gael" natatawang sabi nung isang tanod.

Kilala na nila ako dito kaya ung mga birong ganon di nila sineseryoso pero baka isipin pa nung nanakawan na kasabwat ako kung sakaling narinig niya un.

"Kaya mo yun kuya Piko? Dimo kaya un mahina ka e" asar ko sakanya kaya napasimangot siya.

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon