Chapter 18: Abnormal Heart

16K 560 146
                                    

Yereah Gael's POV

"Ate Faye, uwi na pala ako" paalam ko sakaniya.

Napatingin muna siya kay Miss Velarde na kausap ung ate niya tapos tumingin siya saken.

"Are you sure? Okay kanaba?" Tanong niya.

"Yes" tumango din ako.

Yayakapin niya sana ako kaso napatigil siya. "Avenido let's go" napakalamig talaga.

Hinatid na nila kami sa kung saan man naka park ung kotse ni Ma'am.

Sumakay na si Miss Velarde "Ingat kayo" sabi niya na kinangiti ko.

"Sige, una na kami ate" paalam ko sa ate niya.

"Wait" hinila niya ako palayo sa kapatid niya at sa kotse ni Ma'am.

"Bakit?" Tanong ko sakaniya.

"Are you dating Ten?" Napapikit ako ng ilang beses sa tanong niya, tinanong din to ng kapatid niya mukha ba kaming mag jowa.

"H-Hindi ah"

"Really? Then bakit siya nag sundo sayo?" Tanong niya, napakibit balikat lang ako.

"Ewan ko" sagot ko sakaniya.

"Sayang, I thought you're my sister's girlfriend" sabi niya "Pero parang may bumabakod na sayo"

"Ha?" Hindi na process ng utak ko ung sinabi niya.

"Wala sabi ko you should get going na baka umusok na ilong ni Ten" sabi niya at tinulak nako papunta sa kotse ni Ma'am tapos pinasakay na din. "Ingat" kinindatan niya pa ako na kinaiwas ko ng tingin.

"Tsk" pinaandar na ni Ma'am ung kotse niya.

"Do you like her?" Napakunot noo ko sa tinanong niya.

"Sino?"

"Febbie" sino un? "Faye's sister" ahh un.

"Hindi ah, straight kaya ako" sabi ko sakaniya.

Natahimik siya ng ilang minuto tapos nag salita siya ulet. "Then you only like boys?" Tanong niya.

"Oo pero kung ikaw naman ung pag uusapan pwede ko namang baguhin unarayyy!" Bigla nanaman niyang prineno ung kotse niya.

Nakakarami na to ah, hindi marunong mag preno ng dahan dahan.

"Pabigla bigla naman e!" Sabi ko sakaniya "Bakit ba?" Tanong ko sakaniya.

"I thought you're straight?" Tanong niya, napangiti ako sa loob loob ko.

"Oo nga" sabi ko "Bakit bawal bang mag kagusto sayo kahit straight ako?" Lumapit ako ng konti sakaniya, napangisi ako nung umiwas siya ng tingin. "HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHA" napasandal ako ulet.

"What's funny?!" Inis niyang tanong.

"Wala naman, ang cute mo lang" sabi ko na kinatahimik niya.

"Stupid" bulong niya at pinaandar naulet ung kotse niya.

Sarap talagang asarin nito, kahit pala napakasungit nito nakakaenjoy naman siyang asar asarin e.

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon