Chapter 26: Jowa ng lahat

14.8K 532 74
                                    

Yereah Gael's POV

Nakadating kami sa bahay nila Jeff na hindi man lang ako kiniss ng Professor kong napakasungit.

"Ang damot mo talaga!" Inis kong sabi.

Inalis ko ung seatbelt ko pero bago ko pa mabuksan ung pinto bigla niya kong hinila sa braso tapos hinawakan niya ako sa baba ko at hinarap sakaniya.

"Do you really want me to kiss you?" Pabulong niyang sabi pero nakakaakit ung dating saken.

Napatingin ako sa labi niya at napalunok talaga ako ng ilang beses. Mas lalong bumilis ung tibok ng puso ko at sa mga oras na to feel ko naririnig na niya.

Hindi pala magandang mag biro sa taong seryoso pero sa loob loob ko gusto ko talaga na seryosohin niya ung sinabi ko. Kahit isang kiss lang pramis tas titigil nako, titigil nako sa pag hingi ng kiss lang hehe ems.

"Answer me Yereah" napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa kung anong nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko kinakaya tong ginagawa ni Ma'am saken ano ba.

"J-Joke lang e" nauutal kong sabi.

"Joke?" Tumango ako "But why do I feel like you wanted me to kiss you" napalunok ako, putcha naman.

Bigla siyang lumapit lalo at nanigas talaga ako sa kinauupuan ko nung maramdaman ko ung labi niya sa gilid ng labi ko.

Feel ko sobrang laki na ng mata ko ngayon sa gulat, hindi man sa labi un pero iba paren ung epekto sakin.

Gaya nung gabing un, kung anong mga nagwala sa loob ko at literal na natulala ako dahil dun sa ginawa niya.

Nabalik ako sa realidad nung my kumatok sa bintana ng kotse ni Ma'am. Napatingin ako sa paligid, wala na pala si Miss Velarde.

Bumaba na ako pero saktong kababa ko napakunot ung noo ko kase hindi naman dito ung bahay nila Jeff eh.

"Asan tayo?" Tanong ko.

"Sa beach resort ng mga Villa Costa" sabi ni Polla.

Siya pala nag sundo saken "Why pala hindi kapa bumaba dyan?" Tanong niya saken.

Hindi ko pinansin ung tanong niya kase may hinahanap ung mga mata ko.

"Asan si Miss Velarde?" Tanong ko. Binigyan niya ko ng makahulugang tingin pero hindi ko na binigyan ng pansin un.

"Nasa loob na kanina pa, I thought you're with her na but she said na you're spacing out kaya she left you here" sabi niya "Kaya I fetched you" dagdag pa niya at kumapit sa braso ko.

Fetch ampota sabagay mukha naman siyang aso tapos ako stick—teka parang mas bet ko na ung aso ah.

"Gusto mo si Ma'am Chat diba?" Tanong ko na kinatingin niya saken habang nag lalakad kami.

"Yup but unfortunately, she likes you" sabi niya at ngumiti "Don't sweat it babe okay lang un.. Alam ko naman na you won't choose her tyaka hindi ako katulad ni ate Rose" alam na alam niya kung anong sasahihin kaya pinangunahan na ako eh.

"Sure ka ba talaga?" Tanong ko.

"Why? Do you like her ba?" Umiling ako "Then wala tayong problem and wala naman akong magagawa if she likes you eh" sabi niya pa.

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon