Chapter 8: Cellphone

15K 569 104
                                    

Yereah Gael's POV

"How are you sweetie?" Tanong ni Mrs. Velarde saken.

"Ahh okay naman po" sagot ko.

Pinatawag lang ata ako dito para sabayan silang kumain e.

Diko alam na may bahay pala sila na malapit lang sa university pero bakit nag dodorm si Keiti?

"How's your first day?" Tanong ni Mr. Velarde

"Okay naman po hindi nga lang naging maganda ung umaga" sabi ko at napatingin sila saken.

"Why?"

"Ung anak niyo po kase hindi ako pinapasok" hindi ko na tinignan si Miss Velarde feel ko kase ang sama na ng tingin niya saken.

"Asteria Kirsten" parang may babalang tawag ng tatay niya sakaniya.

Asteria? Parang mas bet ko ung first name niya.

"What? Not my problem she's late" talagang ilalaban niya pa ung pagiging late ko e.

"Bakit naman kase late ka iha?" Tanong ng mama niya.

"Kase po Ma'am.. Ang laki naman po kase ng school ayun naligaw ako" pag sabi ko ng totoo "Tyaka Mamsir 5 minutes late lang naman yun—"

"Stupid" napatingin ako kay Kirsten nung sabihin niya un.

"Kirsten!"

"What?" Iritableng sabi niya "I told you it's not my fault.. Nalate siya" napataas kilay ko.

Nag tatagalog naman pala siya e, english nang english e.

"First day palang and you're being strict as always" sabi ng mama niya. "I'm sorry about that iha"

"Ahh hindi po Ma'am okay lang po" nakangiti kong sabi.

"Okay lang pero nag reklamo" pinandilatan ko ng mata si Keiti pero natawa lang siya at kumain na ulet.

"Call me Tita" napatingin ako sa nanay nila "Drop the Ma'am"

"Ahhh o-osige po" nahihiya kong sabi.

"And just call me Tito" sabi ng tatay nila "Let's eat"

Kumain na kami at hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kaharap ko, nasa harap ko kase si Miss Velarde tapos si Keiti naman nasa tabi ko. 

Nung matapos kaming kumain pinapunta ako sa sala nila tita kase daw may ibibigay daw sila saken maya nag hintay nako sa sala kasama si Keiti, nandito din si Ate niya nag cecelphone.

"Straight ka?" Napatingin ako kay Keiti nung bigla niyang itanong un.

"Yes?"

"You're not sure?"

"Straight talaga ako" sabi ko nalang at tinignan ung phone ko na ayaw mabuksan.

Ano bang problema nito? Limang taon na din kase to, kailangan ng mapalitan.

"So walang chance na mag kagusto ka sa babae?" Tanong niya kaya napatingin ulet ako sakaniya.

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon