Yereah Gael's POV
"Hindi mo parin ako papag retake?" Tanong ko sakaniya.
Nakaupo parin ako sa kandungan niya at buti nalang wala na akong klase ng afternoon kaya kahit hanggang mamaya ako dito pwede. I mean sa office niya hindi sa kandungan niya ha.
Naka hawak siya sa bewang ko habang ako naka hawak sa mga balikat niya ung kamay ko.
"Are you seriously seducing your Professor para makapag retake?" Nakataas kilay na tanong niya.
"Hmmm kahit hindi naman ako humingi ng retake kineme lalandiin parin kita" sabi ko.
"Stupid" bulong niya tyaka niya ako tinignan "Get off me" malamig niyang sabi.
"Ayoko" kumunot ung noo niya.
"You're so stubborn" pasukong sabi niya kaya napangiti ako. "How's your head?" Simula nung sumakit to lagi niya nalang tinatanong yan.
"Concern kana niya?" Nang aasar na tanong ko pero inirapan niya lang ako kaya natawa ako ng mahina "Hindi na ulet sumakit nung kabalik natin dito galing kari Jeff" sabi ko sakaniya.
Tumango lang siya tapos umiwas ng tingin. Umalis nako sa kandungan niya na kinatingin niya saken ulet kaya napangiti ako. Pinapaalis ako kanina pero ung tingin niya parabg ayaw niya kong umalis eh, pasimple ka ma'am ahh.
Kinuha ko ung kamay niya at dahan dahan siyang hinila at nag pahila naman siya, dinala ko siya sa kwarto niya dito tapos pinahiga.
"I still have some paper works, Yereah" sabi niya pero hindi ko siya pinansin.
Humiga ako sa braso niya at niyakap siya. "Inaantok ako ma'am" sabi ko at sumiksik sa leeg niya.
"Yereah.. " parang nanghihinang sabi niya. Hindi ko pinansin un at pumikit na.
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyare kase nakatulog na ako. Nagising nalang ako nung maramdaman kong wala ng tao sa tabi ko kaya tumayo ako.
Tumingin ako sa paligid ko at wala akong nakita kaya lumabas ako ng kwarto niya.
Nakita ko siya sa lamesa niya at may ginagawa kaya lumapit ako sakaniya. Nung maramdaman niya ata ung prisensya ko nag angat siya ng tingin saken pero binalik din agad sa mga papel sa lamesa niya.
"Here" inabot niya saken ung isang paper bag ng hindi ako tinitignan.
"Ano to?" Tanong ko.
"Food, it's already dinner time.." Nanlaki ung mata ko sa sinabi niya kaya wala sa sariling kinuha ung phone niya. "Hey!" Kunot noong sabi niya.
"Titignan ko lang ung oras" sabi ko at tinignan un.
Nagulat naman ako nung makitang 7pm na, ang haba naman ata ng tulog ko. Hindi man ako nakapag lunch.
"Kumain ka na?" Tanong ko, tinignan niya lang ako tapos balik tingin sa ginagawa niya. "Ayy Snobber kana teh?" Sinamaan niya ako ng tingin kaya natawa ako.
Tinignan ko ulet ung phone niya. Napakunot ung noo ko nung may lock na.
"Luh? Bat may lock?" Bulong na tanong ko.
Napatingin ako kay ma'am na nakangisi na kaya napairap ako. "Anong password nito?" Tanong ko.
"Why would I tell?" Tanong niya ng hindi nakatingin saken.
BINABASA MO ANG
Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]
Romance[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she likes you back but her sister likes you too? What will you do? What if being poor will be against ever...