Chapter 62: Stay away

12.9K 582 109
                                    

Yereah Gael's POV

Madilim, malamig at tanging buhos ng malakas na ulan at mga sasakyan ang tanging naririnig ko habang yakap yakap ko ang mga binti ko.

Malabo na din ang nakikita ko dahil sa mga luhang kanina pa ayaw tumigil sa pag buhos. Ang sakit na ng dibdib ko dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Para nanamang tinutusok ng karayom ang puso ko. Hindi ako nag sisi na minahal ko si Asteria pero bakit ito ang kapalit ng pag mamahal na un.

Hindi na nila ako pinakiusapan ng maayos tapos sinipa pako palabas ng van habang umaandar to kaya nag pagulong gulong ako sa kalsada tapos may malaking bato pa na tumama sa tagiliran ko.

Napuno din ng sugat ang binti at kamay ko sa nangyare kanina. Pero walang wala tong mga sugat ko sa sakit ng puso ko ngayon.

Parang pinipilit ko lang ang sarili ko sa isang bagay na hindi dapat. Hindi naman dapat ako maapektuhan sa mga sinabi niya eh pero tagos na tagos. Ang babaw nanaman ng dahilan kung bakit tumulo mga luhang to.

Alam ko naman na wala pang future saken si Ma'am ngayon kase nga estudyante palang ako. Hindi ko man mapapangako ngayon pero soon.

Dapat ko pa bang ituloy ang relasyon namin? Ang sabi ko sa sarili ko noon na hindi ko siya bibitawan pero ano tong nangyayare? Mukhang madadamay pa si Papa.

Anong gagawin ko?

"Ma'am" napaangat ako ng ulo. Hindi ko maaninag kung sino siya.

Hahawakan sana ako pero umiwas ako. Hindi ko alam kung saan ko pa nakuha ung lakas ko at nakatakbo pa ako.

Hindi ko alam paano akong nakadating sa tapat ng bahay ni Polla na binili niya kamakailan lang.

Hindi ko alam kung nandito ba siya kase alam ko bihira lang kung umuwi siya dito.

Kumatok ako sa pinto niya ng tatlong beses. Lalo akong naiyak nung lumipas ang ilang minuto at walang nag bukas ng pinto.

Nanghihina na ako, nanginginig na din ako sa lamig dahil basang basa ako. Kumikirot na din ung mga sugat na natamo ko sa pag kakahulog sa van at nag pagulong gulong pa.

Aalis na sana ako nung biglang bumukas ang pinto kaya napalingon ako sa may pinto at nagulat pako ng makita si Ate Yel ang nag bukas.

Gulat siya na nakita ako. Pero napatingin ako dun sa babaeng nasa likod niya.

"What happened to y-"

"A-Ate.. " nanginginig na din pati boses ko.

"W-What?" Hindi ko pinansin ung tanong ni ate Yel at tumakbo ako payakap kay Polla.

"A-Ate.. " naiiyak kong tawag sakaniya.

Alam ko may pinag dadaanan siya ngayon pero kailangan ko lang talaga ng maiiyakan at promise na uuwi din ako agad pag naging okay na ako.

Hindi ko alam paano pero bigla nalang akong nakatulog sa mga bisig niya habang umiiyak. Nagising lang ako nung may sumisigaw sa loob ng kwarto. Hindi ko mamulat ung mga mata ko kase sobrang bigat tapos sobrang sakit din ng buong katawan ko. Parang ang bigat din ng buong katawan ko parang ang init din pero nilalamig ako.

"Why the fuck didn't you look after her?! Sinuswelduhan ka ni Dad tapos ganto makikita ko ha?!" Galit na sigaw ni Polla.

Hindi ako pwedeng mag kamali, kay Polla un.

"S-Sorry ma'am.. M-Masyado pong mabilis mga nangay-" base sa boses nung lalaki kinakabahan siya.

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon