Chapter 56: Tinay Version

16.4K 558 169
                                    

Yereah Gael's POV

"Avenido, hala ka pinapatawag ka ni Ma'am Sungit" napangiwi ako sa pag tawag niya ng miss sungit sa Girlfriend ko. Tuktukin ko kaya to?

"Bakit daw?" Tanong ko.

"Hindi ko alam eh mukhang wala siya sa mood. Ano nanaman bang ginawa mo?" Kahit kami na ni Ma'am lagi parin talaga siyang masungit saken lalo na sa loob ng room.

Pero pag kaming dalawa lang ung tigre nagiging maamong pusa.

"Sige punta na muna ako dun" lumabas ako sa room at hindi ko inaasahan ang makikita ko.

Nag kukumpulang mga tao tapos mukhang may nag away. Hindi ko na sana papansinin pero naagaw ng atensyon ko ung sigaw ni Keiti.

"Why aren't you looking ba ha?! Bulag ka!?" Sigaw nito.

Sino bang kaaway nito?  Nakipag siksikan ako sa mga nag kukumpulang mga tao hanggang sa mapunta ako sa harap.

Napataas kilay ko nung makita ko si Xylophone pala kaaway niya.

"Well it's not my fault kung tatanga tanga ka!" Sigaw sakaniya nito.

"The nerve! How dare you call me idiot if ikaw tong bulag na hindi tumitingin sa dinadaanan mo ha?!" Ngayon ko lang nakitang pikon na pikon siya.

"Ow really? Look kid, bakit hindi ka nalang bumalik sa room mo" pag tataray naman ni Miss President namin.

"Don't call me kid Gurang!" Sigaw niya kaya medyo natawa ako.

"What did you just call me?!" Kitang kita ung pamumula ng mukha niya sa inis kaya aawat na sana ako pero biglang pamagitna si Polla at Louise sakanila.

"Oh tama na baka kayo pa mag katuluyan niyan" sabay na napangiwi ung dalawa.

Parang nandiri sila sa sinabi ni Louise kaya humagalpak ng tawa to pati si Polla.

"Iw! Over my dead fucking body!" Pandidiri ni Keiti.

"Excuse me? Sa ganda kong to pandidirian moko? Hello. Ako dapat ang mandiri eh" nag flip pa siya ng buhok sabay irap.

Lalong bumakas ung pagkairita sa mukha niya kaya napailing ako at lumapit sakanila.

"Do you Keiti Velarde take Xylophone as your lawful and—"

"It's Xyril not Xylophone" masungit nitong putol saken "and please shut up!"

"Siraulo ka" natatawang sabi ni Louise saken.

Inakbayan ko si Keiti "Ikaw naman ang init ng ulo mo" sabi ko sakaniya.

"Paano kaya she's—"

"Hep! Tama na" pigil ni Louise sakaniya.

"You" turo ni Polla kay Miss Press namin "You can alis na" tinignan niya muna ng masama si Keiti bago inirapan at umalis.

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon