Yereah Gael's POV
"Bakit hindi mo sinabi samin to?" Pangatlong tanong ko na ata kay Louise to e.
"Ayoko kaseng mas lumaki pa yung gulo" hindi ako naniniwala na yun lang yung dahilan niya.
"Really? You let that ugly creature give you a big bruise?" Tanong ni Jeff.
"She's my pinsan but hindi ko naman ilelet na she do that sayo eh!" Galit na sabi ni Polla.
Update sa dalawa, okay na sila ni Ma'am Charot. Kaya nag aalala ako sa ate ko.
"Who's that witch!?" Oh pati kuya in law ko galit na.
Well kahit sino naman magagalit eh. "Calm down, all of you.. Please" tinignan namin si Louise.
Naiistress siyang napasuklay sa buhok niya.
"Polla already knew about this" lahat kami napatingin kay Polla.
Ako hindi na ako mag tataka kung alam niya, lahat naman kase alam niya. Pero kung iisipin, ano nanga kayang nangyare kay Pink?
"I stopped them once pero diko naman know na she'll see my pinsan again tapos I just saw na may bruise na siya" paliwanag ni Polla.
"Natakot din kase ako nung time na yun.. Hinayaan ko siyang ilabas lahat ng sama ng loob niya sayo, sa braso ko. Ayokong saktan ka niya" nakayuko niyang sabi.
"You should have told us this"
"Parang hindi mo kami kilala"
"Wala na din naman tayong magagawa, nangyare na. Kaya wag na kayong mag away" si Keiti. "Ung tanong lang dito.. Sino yung nag send niyan?" Lahat sila ngayon napunta sa phone ko yung tingin.
Nakapatong sa lamesa yun, pinanuod kase namin sakanila yun.
"Pinatrace ko na" sabi ng Asteria.
"Nakilala naba?" Tanong ni Louise. Umiling naman si Asteria.
Para pareho din kase kaming walang alam kung sino to, baka nga sa mga oras na to hindi na matrace yung number.
Ano panga bang magagawa namin, nangyare na. Sino ba kase tong taga bundok na to.
Ilang minuto din siguro kami tahimik na nag iisip bago namin napagdesisyunan na hayaan na muna hangga't wala pang ibang ginagawa.
Nung tumawag yung secretary ni Asteria, sinabi niya na natrace daw nila pero dahil magaling din yun hindi nila nakilala. Pinuntahan pa nga nila kung nasaan yun pero yung cellphone lang na ginamit sa pag send ang nakita nila sa lugar.
Ang weird naman nun, anong binabalak niya? Bakit ganon?
Lumipas ang ilang linggo at napagdesisyunan ng iba na umuwi na, wala na din namang kakaibang nangyare o mga creepy message ang nasend samin.
Nag paiwan si Ate Yel dito pero dun siya sa bahay niya mag iistay. Sa lahat ata ng sulok ng mundo meron siyang bahay eh.
Hindi na din naman ako mag tataka kase mayaman nga naman eh. Iba pa ata yung yaman niya sa yaman nila mommy. Bumalik na din kase siya sa trabaho niya which is yung pag aartista.
BINABASA MO ANG
Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]
Romance[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she likes you back but her sister likes you too? What will you do? What if being poor will be against ever...