Chapter 13: Jealous

16.9K 536 105
                                    

Yereah Gael's POV

"Hi nay" nag mano ako kay Nanay Maria.

"Gael, apo. Kamusta ka na?" Napangiti ako.

"Eto nay, okay lang po. Kayo po? Kamusta kayo?" Tanong ko pabalik sakaniya.

"Ayus naman, napadalaw ka iha?" Tinignan ko si Ma'am Charot.

"Sinamahan ko lang po ung apo niyo" tinignan niya ung kasama ko.

"Iha, napadalaw ka?" Pansin ko ung tipid na ngiti na binigay ng kasama ko kay Nanay Maria.

"Ihahatid ko lang to la" binigay niya ung paper bag kay nanay Maria. "Hindi din naman ako mag tatagal. Pinapasabi pala ni Mommy next week na siya dadalaw"

Ako lang ba? O parang naging ano ung atmosphere sa pagitan nila? Ano nga bang tawag dun parang awkward.

"Ehem" napatingin sila saken "Goods tayo?" Tanong ko.

"Ikaw talagang bata ka"

"Aray ko nay" bigla bananan akong kurutin e.

"I'll get going na" biglang umalis si Miss Charot.

"Ahh nay, una na po kami" aalis na sana ako pero tinawag niya ako.

"Gael"

"Po?"

"Bantayan mo siya ah, wag mong hayaan na umiyak o masaktan ang apo ko" nag tataka man pero ngumiti ako at tumango.

"Sige po nay" sabi ko at sinundan na siya.

"Mag iingat kayo"

"Opoo"

Pag labas ko ng bahay ni Nanay Maria agad ko namang nakita ung hinahnap ko.

"Bakit ba umalis ka—" natigilan ako nung mapansin kong naiyak ata siya "Umiiyak ka?" Bigla siyang humarap sa ibang direksyon.

"Wala to" sabi niya habang pinupunasan ata ung luha niya at humarap saken.

Confirm, umiyak nga ang pula ng mata e.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko. "okay ka lang?"

"She doesn't treat me as her grandchild" bigla akong nakunsensya, sana palang hindi nako nag tanong.

"Sorry"

"There's nothing to be sorry about" kung sanang narinig niya ung habilin ng lola niya saken e.

"Alam ko na, sama ka nalang saken sa bahay. Nagluto si papa panigurado magugustuhan mo un" sabi ko.

Tumango lang siya at ngumiti ng pilit "Ano kaba, wag ka ng umiyak. Tara" hinila ko na siya at nag abang ng tricycle.

Nag uusap kami habang nasa tricycle. Hindi ko na din siya tinanong about sa kanina baka kase umiyak pa lalo kasalanan ko pa.

"Kuyang driver dito nalang!" Sigaw ko tapos itong katabi ko tawang tawa nanaman

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon