Chapter 38: Courting

14.8K 519 81
                                    

Yereah Gael's POV

Hindi ko alam kung ilang oras nakong nakatunganga dito sa kwarto namin ni Keiti. Oras na din at paniguradong late nako.

Hindi umuwi si Keiti at alam kong sa ibang kwarto siya natulog. Anong gagawin ko? Dapat pala nanahimik nalang ako no? Ang panget naman kung mag kunwari akong gusto ko din siya.

Hindi pwede un kase alam ko sa sarili ko na hindi ko siya magugustuhan lalo na't buhay at humihinga ung taong gusto ko.

Nag bihis nako, tinignan ko muna ung sarili ko sa salamin at halatang halata na umiyak ako. Kahatid kase ni Polla sakin kagabi sa dorm bumuhos ulet ung mga luha ko.

"Kaya mo to Yereah" sabi ko sa sarili ko at umiling iling.

Huminga ako ng malalim at bagsak ang balikat ko na lumabas ng kwarto. Wala nakong balak na pumasok sa time ni Ma'am Velarde kase alam kong hindi na din niya ako papapasukin kase late na ako. Masakit paren ung pang rereject niya saken.

Naisipan kong pumunta sa building ng mga senior high. Pupuntahan ko si Keiti, hindi ako sanay na ganto kami.

Simula nung nakaclose ko siya talagang naging parte na siya ng buhay ko. Hindi na siya pwedeng mawala. Alam ko na dapat bigyan ko siya ng oras pero hindi ko kaya na hindi kami okay eh.

Nung malapit nako sa room niya sakto namang nag ring ung bell nila, break time na nila.

Hinintay ko siyang lumabas at ilang sandali lang lumabas na siya at may kasamamng dalawang babae. Nag kukwentuhan sila habang siya nakikinig lang tapos ngingiti ng tipid.

Lumapit nako sakanila at nung makita niya ako nawala ung ngiti sa mga labi niya, nakunsensya na tuloy ako.

"Keiti" nilagpasan niya ako at hindi man lang ako pinansin.

Sinundan ko siya ng tingin at tinawag ulet "Keiti" tawag ko pero hindi nanaman niya ako pinansin.

Hindi ko na siya sunundan at nag stay ako dito sa bench sa labas ng room nila. Hihintayin ko nalang siya.

Ilang minuto ung lumipas nung mag ring ung bell kaya napatingin ako sa direksyon kung saan siya dumaan kanina.

Nung matanaw na siya ng mga mata ko tumayo nako para salubungin siya. Nung makalapit siya saken hindi paman ako nag sasalita ng mag salita siya.

"Get lost" sabi niya ng hindi ako tinitignan at pumasok na sa room nila.

Hindi ko na nagawang tawagin siya kase kasunod na pumasok is ung teacher nila. Wala nakong nagawa kundi hintayin na matapos ung klase nila.

Hindi nako nakapasok sa ibang klase ko sa kakahintay kay Keiti hanggang sa mag uwian na sila.

"Keiti" tawag ko sakaniya kalabas niya. Tinignan niya muna ako bago ako lagpasan pero hinawakan ko siya sa braso na kinatigil niya.

"Usap tayo. Please" sabi ko. "Balik na tayo sa dorm" dagdag ko pa.

Hindi siya sumagot pero inalis niya pag kakahawak ko sa braso niya at humarap saken.

"Not now Gael.." Walang emosyon niyang sabi at umalis na.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa hindi na siya matanaw ng mga mata ko. Naiiyak nanaman ako, dapat pala hindi ko na sinabi sakaniya. Para akong nawalan ng kapatid sa nangyare.

Napaupo nalang ulet ako sa bench na malapit sa room nila at napatulala habang nag iisip. Hindi ko alam anong gagawin ko. Dapat bang hayaan ko muna siya? Pag ba hinayaan ko siya kakausapin niya pa ba ako? Mapapatawad niya ba ako?

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon