Chpater 63: Connect the Dots

14.3K 545 200
                                    

Yereah Gael's POV

Hanggang ngayon diko parin natatanong sa dalawa kung bakit sila mag kakilala.

Ung mga sugat ko gumaling na din kaso medyo palang tapos ung sakit ng katawan ko nandito parin lalo na ung sa tagiliran ko. Medyo bumaon kase ung bato na tumama sa tagiliran ko tapos nilalagnat parin ako. Feel ko dahil to sa sugat ko sa tagiliran kay tumagal din ung lagnat ko. Ganyan kase pag nag kakasugat ako ng malala nilalagnat talaga ako.

Nung umalis si Ma'am dito hindi na din siya bumalik. Paano siyang babalik kung pina banned siya ni Polla sa village eh. Sinabihan ni Polla mga guard na wag siyang papasukin.

Pano kong nalaman? Nag text sakin si Ma'am dun siya nag rant, gigil na gigil talaga siya kay Polla eh.

Pati si Ma'am Charot hindi na din makapasok, bantay sarado pa ung bahay ni Polla. Hindi ko parin alam anong pinag awayan nila bakit ganun nalang kung palayasin niya si Ma'am Charot kahit asawa niya to. Kaming tatlo lang ni Ate Yel ung nakakapasok.

Isang linggo na din akong nandito at nag papagaling, naka excuse din naman ako sa school parang ayaw ko muna din pumasok o lumabas kase natatakot ako. Baka sa susunod kung ano pang gawin sakin ng nanay niya, nakakatakot pamandin.

Simula din nung nag stay ako dito hindi din umalis si Ate Yel. Buti nga hindi siya pinapaalis ni Polla eh kahit lagi silang nag babardagulan.

Isipin niyo un. Tawag ni Polla kay ate Yel..

"Hoy Cereal!" Ayan na nga bang sinasabi ko eh, nag sisimula nanaman sila.

Alam ko nasa kusina lang sila para mag luto tapos ngayon nag sisigawan na. Teka nga ngayon ko lang narealize. May marunong bang mag luto sakanila?

Si Polla kase ung adobo lang na tinuro ni papa ung alam niyang lutuin, ayy pati pala ung sinigang. Si Ate Yel naman hindi ko alam.

"What are you doing Ulan!?" Sigaw ni Ate Yel.

"Nag luluto! Can you go away Cereal!?" Gigil na sabi ni Polla.

"You don't even know what you're doing!" Ang lalakas nang sigaw.

Hinayaan ko na silang mag bangayan don. Hindi parin nag rereply si Ma'am, isang linggo ko na din siyang hindi nakikita. Namimiss ko na ung asawa ko.

About dun sa fiance kineme niya, sabi niya saken gawa gawa lang daw ng nanay niyang illuminati un. Diko nga alam kung matatawa ako sakaniya kase nangigigil talaga siya sa nanay niya pati kay Marlboro tapos sinabayan pa na hindi niya ako madalaw dahil kay Polla. Tapos tinawag pa niyang illuminati nanay niya.

Kada makakausap ko siya sa call lagi niyang sinasabi na. Ipapasalvage niya talaga si Polla kung hindi ko lang daw talaga un kaibigan.

Ang cute mainis ng Girlfriend ko sa totoo lang.

Habang tumitingin ako ng picture niya sa phone ko hindi na naalis ung ngiti sa mga labi ko. Ang ganda talaga niya parang nananaginip lang ako.

Simula nung umamin siya saken hindi na nawala ung mga pusong lumilipad sa paligid ko. Baka liparin nako ng mga to ah.

"Aypotacca!" Gulat kong sabi, muntik ko ng maihagis ung cellphone ko nung biglang nag ring.

Napahawak ako sa may puso ko, ang lakas ng kabog eh. Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ung tawag ng my loves ko.

"What took you so long?!" Gigil niyang tanong.

Hindi lang agad nasagot eh, highblood agad.

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon