Chapter 52: Haharutin

16.9K 560 179
                                    

Yereah Gael's POV

Nagising ako sa isang lugar na puro puti ung paligid ko.

Hala gago nasa langit na ba ako? Napaaga yata ung meet and greet ko kay San Pedro.

Lord, dina po ako mag papaiyak sa court hindi ko na din po sila pipilayin. Ibalik niyo lang po ako dahil mamahalin ko pa si Miss Velarde.

Ikakasal pa kami Lord at mag kakaanak pa kami kaya please po ayaw ko po munang umapak sa palasyo niyo.

Ayy teka nga, hindi naman ako sure kung sa langit ako didiretso eh paano kung indi naman pala mainit sa impyerno tapos hindi din maitim?

Sabi kase nila malamig daw sa impyerno hindi naman daw talaga mainit, diko alam sinong nag sabi nun eh baka nakapag travel na siya sa impyerno no?

Tumingin ako sa paligid at napapikit pikit ako nung may makita akong dalawang anghel at dalawang demonyo.

So dipa pala sila nakapag decide kung saan nila ako dadalhin? Mabait parin pala ako ano?

"Are you back?"

"Are you buhay?"

"Hindi ka patay?"

"What happened ba?"

Sabay sabay nilang tanong. Nilibot ko paningin ko sa buong kwarto. Nasan ung isa?

Alam ko bago ako mahimatay lima sila eh.

"Asan ung isang anghel?" Tanong ko na pinag taka nila.

"Ha?"

"Ung isang anghel nasan?" Tanong ko ulet..

"Are you looking for me?" Tanong ng isang demonyo.

"Demonyo ka eh, ung isang anghel" nag tatampo kong sabi habang hinahanap ng mata ko ung isa.

"Polla, pigilan moko! Tutuluyan ko to" susugurin sana niya ako at sasakalin pero tumayo ung dalawa at pinigilan siya.

"Stop!" Inis na sabi nung isa.

Nasan na ba kase si Ma'am my loves ko? Bakit wala siya dito?

"Sinong hinahanap mo?" Tanong ni Ate Yel..

Teka.. Naalala ko na bakit ako nandito, sumakit nanaman kase ung ulo ko kanina.

May mga past memories na bumalik pero ung batang kasama ko dun malabo ung mukha blur  ung mukha baka made in japan? Pero isa lang ung sigurado ko. Ate ko un.

Siya kaya? Hindi, impusible. Sabi kase ni papa wala na un eh.

Kaming dalawa nalang sa buhay kaya impusibleng siya un.

"Okay ka lang?" Tanong niya.

Tumango naman ako. Naguguluhan ako hindi ko alam bakit nung sinabi nila ung Yel, un ung naalala ko.

Ate ko ba siya? Oh baka nag kataon lang. Oo tama nag kataon lang.

Maya maya may pumasok sa loob at ung atensyon namin doon na tuon pati ung dalawang demonyong nag tatalo sa tabi ko tumigil at tinignan un.

"Can't you see she's resting, bakit dito pa kayo nag iingay?" Masungit na sabi niya sa dalawang parang kiti kiti kanina.

Nung makalapit siya samin napalawak ung ngiti ko nung tumingin siya saken.

"How are you? Masakit pa ulo mo? Are you hungry?" Mag kakasunod niyang tanong.

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon