Elena
Siya ay nagmahal subalit nasaktan
Inapi at walang awang nilapastanganan,
Naiwan at umuwing luhaan
Sapagkat kaligayahan siya'y pinagkaitan.Sa bayan ng tondo siya ay nakatira
Buhay niya'y parang isang plakang sira,
Ang pagtayo sa harapan ng entablado
Ang naging puhunan kahit hindi sigurado.Mag-isang pinapalaki ang kaniyang anak.
Siya'y maagang nilisan ng kaniyang kabiyak.
Walang anumang liwanag ang masasalat,
Kundi kahirapang sa palad ay sumusulat.Pagod na siyang maramdaman ang pait,
Ang kaniyang puso'y patuloy nababalot ng sakit.
Aniya ay "Nais ko nang mahimlay.."
Kasabay ng pagkumpas ng kaniyang kamay.Isang malamig na gabi.
Habang ang gabi ay lumalalim,
Ang dibdib ay napuno nang panimdim.
At isipa'y tuluyang nabalot ng dilim.Hawak ang isang kapat na patalim.
Agad niya itong itinutok sa kaniyang kamay na malalim.
Sawa na sa buhay niyang pasakit,
Walang ibang usad kundi puro pait.Hinele nito ang kaniyang walang malay na anak.
At doo'y itinusok ang patalim at ang dugo'y dumanak.
Winakasan nito ang kaniyang buhay na hiram,
At ngayo'y tinatamasa ang buhay na may bahid ng pang-uyam.miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...