14

45 3 1
                                    


Hindi ka Basta-basta

Babae ka hindi basta babae lang
Lalaki ka hindi basta lalaki lang
Bakla ka man at ito'y karangal-rangal
Pusong lalaki ka man at ito'y hindi isang hangal.

Mga mata'y namumula dahil sa mapangkutyang mata ng iba.
Mga labi'y namumutla dahil sa kagat labing sakit na nadarama.
Pagtanggap ang salitang namumutawi sa bibig.
May pagmamahal sa kasariang bumabalot sa sarili at sa buong daigdig.

Hindi na mabilang kung ilang salita ang nasayang
Hindi na mabilang kung ilang luha ang nagsilabasan.
Pahiran man ng puti ang nag-aalab na puso
Ay hindi pa rin nito kayang tumbasan ang naghaharing panduduro.

Ang mga kababaihan ay maituturing bilang isang tanglaw sa kadiliman.
Sila'y hindi tulad ng manikang pagkatapos bihisan ay ipagtatabuyan.

Ang mga kalalakihang maituturing bilang mga haligi sa tahanan
At sila'y hindi tulad ng makinarya na gagamitin lamang sa tuwing sila'y kailangan.

Ang mga baklang ang tingin sa kanila'y salot sa lipunan.
Kailanman ay hindi magiging salot sa lipunan, ang nagbibigay kaligayahan at karangyaan sa mga mamamayan.

Ang mga babaeng may pusong lalaki.
Tinuturing bilang isang kandilang walang sindi.
Gaano man kalakas ang liwanag na kanilang tinataglay.
Ay ganun din kay lakas ang pag-ihip sa kandila, na nakasalalay sa mapanakit nating kamay.

Iba't ibang kasarian man ang naghahari,
Wala tayong karapatan upang sila'y  hadlangan sa kanilang uri.
Nasa dugo na ng mga Pilipino ang pagiging mapanuri.
Kung kaya't masasakit na salita na lumalabas ay tila mahirap nang mawari.

Walang lugar sa ating puso ang mangyurak ng kasarian ng iba.
Walang lugar sa ating puso ang maging hadlang sa kasiyahan ng iba.
Batid nating lahat ang tunay na depinisyon ng kasarian.
Kaya't huwag sana itong ipagtabuyan at kaligtaan na tila ba hindi sila parte sa lipunan.



miss_reminisce

---------------------------------------------------------
Pakikiisa sa selebrasyon ng Women's Month at kasabay no'n ang pakikiisa sa Gender Equality.


Isang Daang PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon