ANG KAMANG ITIMBinalot ng sapin na itim
Ang silid na madilim.
Niyayapos man ng malakas na hangin
Pilit na ito'y yayakapin.Sa yaong paglagablab ng init
Iindayog ang kamang mapang-akit
Sa saliw ng tunog ng musika
Ang sapin ay unti-unting masisiraKumusta kaya yaong lagay ng kalangitan?
Matapos pindahin ang kamang higaan.
Kumusta kaya yaong itim na sapin?
Nasira dulot ng mga halinghing.Marapatin nawa na mayroong bumulong.
Sa muling pag-indayog ng kama'y mayroong pumaroon.
Mali mang guluhin ang natutulog na diwa.
Subalit tama lamang ang iyong ginagawa.miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...