KANDILA
Muli ay bumabalik
Makalipas ang ilang araw na pananahimik
Pagkadaong ay lubusan mananabik
Sapagkat hindi nakausap at nahalik.Itatayo ang kapirasong kandila
Kasabay ng pinaghalong saya at pangungulila.
Isasalaysay ang kuwento sa bukana
Hindi lilisan hangga't may upos ang kandila.May minsang sumasagi sa isipan
Paano kung kaagapay pa nang matagal
Malabo sanang ngayon ay binabantayan
Ang kandilang maubos ay sobrang bagal.Isang beses sa isang taon?
Kung dumalaw sa bawat panahon
Mali mang katwirang maiwan sa kawalan
Subalit, patawad kung dumalaw ay minsan.miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...