BagaheMadalas na maitanong,
Bakit kay bigat ng aking bagahe?
Ano ba ang laman ng dala kong bayong?
Na kahit gaano man kabigat nagagawa kong magpatuloy.Ang tugon ko'y mabigat man o hindi.
Kailangan kong magpatuloy.
May bagahe akong mabigat dahil narito ang kinubli kong pagod at sakit.
Ang takot at pighating hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagpilantik.Wala akong ibang dalang bagahe,
Kundi ang dibdib ko at likod.
Kaya sa mga panahong nangangailangan na ako ng hagod.
Kailagan kong ihiga nang sandali ang likod kong pagod.Kaya't kung masilayan mo man muli ako.
Habang bitbit ang bagaheng dala-dala ko.
Huwag mo sanang isipan na naglayas ako.
Dahil ang totoo'y pagod ako sa maghapong pakikipagsabayan ko rito sa mundo.At kung maaari at bukal sa puso mo.
Maaari mong ilahad ang mga kamay ko,
Upang damayan ako sa bigat na bagaheng bitbit ko,
At nang maramdaman kong may karamay pa ako dito sa mundo.miss_reminisce
![](https://img.wattpad.com/cover/336126863-288-k991888.jpg)
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...