24

15 3 0
                                    


Sana Bumalik ang Lahat

Nang tayo'y musmos at walang puwang sa mundo.
Sabik na tayong kilalanin kung sino tayo.
Hangarin nating tuparin ang mga bagay na  ating gusto
At tuparin ang mga pangarap at maging ihemplo.

Kasabay ng ating paglaki ay ang hangaring labis,
Ang makapunta sa lugar na ating nais.
Masubukan ang mga bagay tulad ng kanilang ginagawa.
Gustong maranasan ang pagpatak ng buhay at marating ang ginhawa.

Subalit nang marating natin ang ating hinahangad
Ay mapapaisip na lamang tayo kung ito ba ang ating pangarap?
Ang buhay na nais nating galawan.
Ay maituturing palaisipan lamang.

Tila nais na lamang nating bumalik muli sa pagkabata.
Nang mga panahong mababaw pa ang ating mga luha.
Mga gabing nakatutulog tayo ng payapa.
Mga araw na walang mabigat na responsibilidad na nakaamba.

Suliranin ay hindi gaanong iniinda
Nakukuntento sa mga bagay na nakukuha.
Ang sakit ay hindi alintana,
Sapagkat ang tanging nangingibabaw lamang ay ang saya.

Ngayon ating naunawaan sa kung bakit hindi kailangan madalihin ang lahat.
Sapagkat may mga bagay na kapag ginawa ay hindi magiging sapat.
Natutuhan nating maghintay at magtiwala.
Natutuhan natin na "nakapapagod din pala ang tumanda."

miss_reminisce




Isang Daang PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon