DI TAYO PASISILNadala na tayo nang minsan,
Nagpailalim sa singkit na pamayanan
Natalo na tayo sa laban,
Nang sakupin ang Inang bayan.Ngayo'y muli tayong nilalatigo,
Pinipihit ang sira-sirang turnilyo.
Dapat na tayong magkaroon ng puwang,
Nararapat na tayong lumaban.Hindi natin kailangang padaig sa malaki nilang barko.
Hindi tayo kailangang padaig sa kayamanan nilang bango,
'pagkat luha't panganib ang madadala nila sa dulo.
Habang patuloy nila tayong ginagambala ng kanilang delubyo.Imulat natin ang mga mata,
Kalambagin ang natutulog na diwa,
Ibukas na ang nakasaradong puso,
Tumindig at ipakita ang nais na mangyari sa mundo.Hindi na tayo pasisiil.
Sa mga banyagang mapaniil.
Ibukas na ang isip sa pagsisingil.
Para sa 'ting hinihiling.miss reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...