50

10 2 0
                                    


ANG MAGAYON

Sa tanikala ng rosas na pula
Ay ang labi mong namumula
Sa dalisay na pag-usad ng mga alon
Ay ang buhok mong kung magsihanginay wari'y isang magandang kugon.

Mga ngiti mong nakapapawi ng lungkot
Mga mata mong nangungusap at pati puso'y nahahablot.
Pilitin mang ibayong sa iba ang tingin.
Ang mata pa rin ay patuloy na saiyo hinahangin.

Katulad mo ay si Maria Clara,
Isang mahinhin at mayuming dalaga.
Kahawig mo si Leonora,
Minahal at tiningala ng masa.

Luntian at busilak ang iyong kalooban.
Sumisilay ang kagalakan sa kabila ng kahinaan.
Mga mata mong kasing ganda at kinang ng mg bituin.
Ikaw ang pamantayan ng mga kalalakihan at dinadalangin.

Sa guryon man ikaw ay harangin.
Kabutihan mo'y bumubusilak pa rin sa iyong damdamin.
Sakmalin man ng daang negatibong salita
Pagkatao'y hindi madaraig sa bawat balita.

Binibining nasa tahanan ng mga bituin at rosas.
Nawa'y ang pag-ibig mo'y hindi agarang magwakas.
Saklubin man ng bagyo ang kirot na kay wagas.
Ikaw pa rin ang nag-iisang  Magayong binibini sa Pilipinas.

miss_reminisce

Isang Daang PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon