Papel at Krayola
Kung ikaw ay may nais ay iyo lamang iguhit.
At kung sakali mang ang mundo mo'y napuno nang pasakit,
Hayaan mong pilitin kitang iguhit nang mabawasan ang iyong pait.Ang talas ng lapis na nasa iyong kamay,
Ay kasing talas ng damdamin mong uhay.
Sa banayad na pagpahid mo ng krayola sa larawan.
Ang siyang pagkulay mo sa aking mundong tanging itim at asul lamang ang nasisilayan.Batid kong ibig mo na ang bagay na ito noon pa man.
Kung kaya't ikaw ay aking ginagabayan.
Ang wika mo'y nais mong maging isang pintor.
At ikaw ay aking tinugon na ipagpatuloy mo lamang iyan hanggang sa makarating ka sa bapor.Patuloy kitang ginagabayan sa lahat ng iyong nais.
Pinipilit kong samahan ka dahil hindi kita matiis.
Sa pagpupunyagi mo'y taas noo ako sa iyo,
Ito ang nais mo kung kaya't nanaisin ko na rin ito.Ipagpatuloy mo lamang iguhit ang iyong nais sa pahayagan.
At nang maiguhit mo rin ang iyong walang hanggang kasiyahan.
Wala ka man ngayon sa aking piling,
Subalit ang pangarap mo ay patuloy kong aalahanin.Kung nasaan ka man ngayon.
Batid kong tinatamasa mo ang kapayapaan sa bawat panahon.
Magpakasaya ka kasama ang mga bituin.
At ang papel at krayolang magsisilbi mong awitin.miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
RandomLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...