90

7 2 0
                                    


MULI AKONG HINDI PINALAD

Sanay na ako sa hindi pag-ayon sa akin ng panahon.
Nasasanay na ako sa tuwing hindi ako pinapalad.
Sanay na sanay na kung umuuwing luhaan.
Nasasanay at patuloy na masasanay hanggang kailan.

Kung tutuusin ay mas mabuti nang sinubukan ko.
Kaysa ang pailarin ko ang nararamdamang takot ko.
Mabuti at nalabanan kong totoo,
Lalo na ang kaba na dumadagundong sa dibdib ko.

Mahaba pa naman ang taon.
Marami pa akong mapapatunayan sa bawat panahon.
Hindi pa ito ang dulo para tumigil
Hindi pa ito ang wakas para itakwil.

Kaya't sa mga darating na araw
Nawa'y magpatuloy ang pagnanasa ng aking pangarap.
Na kahit ilang beses mang hindi pinapalad.
Ang mahalaga ay sinubukan na maabot ang hinahangad.

miss_reminisce

Isang Daang PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon