84

2 2 0
                                    


NAKAHIMLAY

Kendi, mani, kornik at kandila.
Sari-saring pagkain, panauhin at madla.
Hindi kakilala ngunit nangungulila
Hindi kaibigan ngunit nakikisama

Minamahal, iniiyakan, niyayakap at binubulungan.
Humihingi ng paumanhin at mga kahilingan.
Binubulong ang mga nais at katagumpayan
At ang mga lihim na numero sa ataol ay nais masilayan.

Kalansing ng barya, kaluskos ng baraha.
Ingay ng madla, sigawan ng mga bata.
Tinig ng nagbabalot at ingay ng bingohan
Kabilaang pustahan sa harap ng namatayan.

Pagkatapos na manalo gusing ang isusukli
Tatanggapin ng namatayan at ihuhulog sa timba sa tabi.
Magkandaulit na ganon ang gawaing nakawiwili,
Hanggang matapos ang siyam na gabi.

Sa araw ng burol ay hikbi ng kung sino-sino ang maririnig.
Gasgas na ang ngala-ngala at pagpaos ng tinig.
Salitang mahal kita ang palaging namamayani.
Kasabay ng hindi mapigil na mga hikbi.

Pagkatapos mailibing babalik sa normal ang lahat.
Aayusin ang bahay babaguhin ang sarili nang sapat.
Magkakaroon ng pagpupulong at paghahati-hatian ang mga salapi.
Kalauna'y masisilayan na may bagong awtong nakaparada sa tabi.

Negosyo na ba yaong mga patay?
Walang-wala ngunit kalauna'y gumanda ang buhay?
O marahil biyaya ang kanilang bigay
Nawalan man ng mahal sa buhay ngunit may darating na bagong bagay.

Ayokong magsalita ukol sa kamatayan
Ayokong kutyain ang pamahaiing nakasanayan.
Ngunit huwag lamang dumating ang isang araw.
Na mahal at naalala ka lamang nila kapag ikaw ay nahimlay.

miss_reminisce












Isang Daang PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon