SI NENA
Alas singko ng umaga
Si Nena'y mulat na
Inuunahan ang pagsikat ng araw
Upang paninda'y matuklawSa murang edad ay nagbabanat ng buto
Hindi alintana ang edad sa pagitan nito
Edukasyon ay parang nalatigo
At ang tabako at posporo ang naging buhay nito.Sa hagubilis ng hanging mabilis
Sa buhay ni Nena ay dumaplis
Kahirapan ay patuloy siyang niyayapos
Kaginhawaa'y hanggang ngayon ay nakagapos.Hirap sa buhay, tila may bayad bawat paghinga
Sampung pisong barya ay pinagkakasya
Mag-isang lumalaki sa tanan ng kaniya buhay
Mapait na sinapit, gano'n ilarawan ang kaniyang talambuhay.miss_reminisce
BINABASA MO ANG
Isang Daang Piyesa
CasualeLikha ng kathang isip ay ihahayag Sa lawig ng panulat ay lalayag Gamit ang mala hugis kandilang panulat Ako at ang aking mga piyesa ay isusulat Isang Daang Piyesa Isang daang tulang may iba't ibang tema Halina't hukayin, alamin Kung ano ang nagkukub...