80

4 2 0
                                    

TAMANG PAGKAKAMALI

Nang sumugal ako nang sobra
Alam kong ako'y tama
Nang sinubukan kong muling tumaya
Natalo ako ngunit ako'y sumaya.

Marahil ganito ang pakiramdam ng manhid.
Nasasaktan ngunit patuloy nanalig.
Binabalewala na lang ang sakit.
Dahil ang mahalaga ay maging masaya sa gitna ng pait.

Bata pa lamang ang puso at isip ko,
Nagdedesisyon sa maling pag-ikot ng mundo.
Akala ko tama, kaya sinubukan ko.
Akala ko panghangganan kaya binuwis ko.

Nang binigay ko ang lahat.
Umuwi akong puso ko'y wasak.
Hindi ako nadala nang una
Kaya heto para nang tanga.

Ngunit kahit nasaktan ako.
Tila nais ko pa ring bumalik sa dating gawain ko.
Hindi naman ito ang unang beses na ako'y sumubok.
Maraming beses na ito kaya't sanay na rin akong matupok.

Pakiramdam ko lahat ng ginagawa ko ay tama.
Kahit alam kong maraming sabi at nangmamata
Ngunit pinaglaban ko ang sinasabi ng aking isipan at labi.
At para sa 'kin ikaw ay mananatiling tamang pagkakamali.



miss_reminisce

Isang Daang PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon